"Babe, baka gusto mong sumama mamaya sa gig namin nina Leo, Albert at Roy sa club?" tanong sa'kin ni Christian. "May tugtog kayo mamaya?" masayang balik tanong ko sa kaniya habang namimilog pa ang mga mata ko. Matagal-tagal na rin kasi nang huling sumama ako sa gig nila at halos hindi na rin iyon nasundan pa dahil sa naging busy na rin sila sa kani-kanilang mga negosyo. "Birthday ni Roy ngayon kaya iniimbita niya tayo," nakangiting saad nito sa'kin. "Sasama ako!" excited kong bulalas. Bigla niya akong hinapit sa aking baywang. "Ikaw ha, parang gusto ko nang magselos sa mga kaibigan ko. Madalas kang sumasama 'pag alam mong sila ang kasama ko," nakalabing wika nito. "Gustong-gusto ko kasing naririnig ang pagtugtog niyo," paliwanag ko naman sa kaniya. "Talaga?" Inilapit pa nito ang k

