Nang iwanan na ako ni Carla rito sa silid ay agad kong tinawagan si Christian. "Hello, Babe?" "Hi, Babe! Kumain ka na ba?" malambing nitong tanong sa'kin mula sa kabilang linya. "Kakain pa lang. Ikaw?" balik tanong ko naman sa kaniya. "Kumain na po. I miss you, Babe!" ani nito. "I miss you!" sumisinok-sinok kong tugon sa kaniya. "Hey Babe, umiiyak ka ba?" tanong niya sa'kin. "Hindi!" pilit kong inayos ang pananalita upang 'di ito mag-alala. "Umiiyak ka nga!" bulalas nito. "Gusto mo bang sunduin na kita?" "Huwag!" pabulalas kong pigil sa kaniya. "Be professional, Babe." Naiinis ako sa sarili ko dahil bigla-bigla na lang akong nagiging emosyonal na 'di ko mawari kung bakit. Parang gusto kong makita ang asawa ko na ayoko rin naman. Haist! Ano bang nangyayari sa'kin?! "Magpahi

