Mactan - Cebu International Airport Namamanghang inilibot ko ang paningin sa buong paligid ng airport. Malawak at malinis ang lugar. May mga foreigner akong nakakasabayan sa paglalakad at halos maraming tao na pawang mga nagmamadali rin sa kanilang pagkilos. "Miss, sandali!" Dinig kong tawag ng isang baritonong boses. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. "Miss!" muling sigaw ng baritonong boses. Hinabol na marahil siguro ako nito nang hindi ko pa rin ito nilingon. Naramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa aking balikat. "Miss, sa'yo yata 'to." Lumingon ako sa taong tumapik sa'kin at ganoon na lamang ang pagnganga ng aking bibig nang makita ang isang gwapong nilalang. Makakapal ang kilay nito at mamula-mula ang kaniyang mga labi na tila kaysarap halikan.

