Maaga akong gumising upang maghanda ng almusal namin ni Christian bago pumasok sa opisina. Hinalikan ko muna 'to sa pisngi bago ako lumabas ng kwarto. Pagdating sa kusina ay kinalkal ko agad ang laman ng ref. Mabuti na lang at may laman na rin 'yon na stock kaya 'di na ako nahirapan pang mag-isip ng iluluto. Nagsangag ako ng kanin at saka nagprito ng bacon. Sinamahan ko na rin ng itlog, hotdog at slice mango. Nag-aayos na ako sa hapag kainan nang marinig kong tinawag ni Christian ang pangalan ko. "I'm here!" pabalik kong sigaw kay Christian. "Mukhang masarap ang niluto ng Misis ko ah," nakangising hayag nito at niyakap niya ako mula sa likurang bahagi ng aking katawan. "Nagprito lang naman ako," turan ko sa kaniya. "Masarap pa rin 'yan. Luto ng mahal kong asawa 'yan." Dinikit nit

