“Sino naman ang umagaw ng atensyon niya.” “Ang hinala ko ay ang anak mo. Baka nasalisihan ka kaya hindi mo alam na nakarating siya sa paligsahan.” “Hindi ko alam iyan, Kuya. Pero hindi ko ikinababahala iyon. Nag-aalala ako dahil sa may nagmamanman sa labas ng bahay ko noong isang araw. Tila naglalabasan na ang mga nakakatakot at masasamang mga nilalang!” “Hindi ko rin alam, Malia. Simula nang dumating ang mga taong kasama natin, nagsisimula na ring lumabas ang mga halimaw na narito sa kakaibang mundo.” Noong hindi pa dumarating sina Shyve sa kakaibang mundo, wala ni ano mang nagaganap na masamang pangyayari maliban sa paligsahan ng paglalaban. Ganito rin ang nangyari nang dumating si Malia. Subalit tumigil ito sa paglipas ng panahon. At ngayong may ibang tao na muling nakapasok, nagh

