Hindi na napigilan ni Azriel ang kaniyang damdamin. Sigurado siyang si Malia ang matagal na niyang hinahanap na kapatid. Dama niya iyon noong una niyang makita si Malia sa bahay nito. Bukod pa roon, nakita rin niya ang kuwintas na nakatago sa silid nito. Ang kuwintas na suot-suot ni Malia bago siya nawala. Minsan niyang pinasok ang silid ng babae noong siya lang ang naiwang mag-isa sa bahay. Sa galit ni Razen, hindi niya rin napigilan ang sarili at sinakal niya bigla si Azriel. Nag-iba ang kulay ng kaniyang mga mata. Naging ganap siyang Edrozo. Natakot at nagulat si Red sa pag-iba ng anyo ni Razen. Nakakatakot at mapanganib. “Sinasabi ko na nga ba na may iba kang layunin sa pagnais mong makapasok sa mundo namin!” Humahangos na wika ni Razen. Naglalaway ang bibig nito at hawak sa leeg si

