Labis na nalungkot si Razen dahil sa nangyaring pagkatalo ni Levi. Naging dahilan din ito nang pagkamatay ng kaibigan niya. Hindi man lang siya nakapagpaalam kay Levi nang mabuti. Hindi rin niya alam kung papaano sasabihin sa iba pa nilang mga kasama ang nangyaring pagkawala ng kaibigan. Subalit wala silang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat. Si Razen na ang susunod na lalaban. Bago pa man siya pumunta sa gitna, ipinangako niya sa kaniyang sarili na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ni Levi. Ikinuyom niya ang kaniyang magkabilang kamay. Tumindig nang tuwiran at taas noong pumunta sa gitna. Sa kabilang panig, naroon naman at naghihintay si Ozrhe sa makakalaban niyang si Razen. Tinitingnan niya ito nang walang ano mang nababakas na ekspresyon sa kaniyang mukha. “Kumusta ka na,

