Ilang araw na ring namamalagi sina Shyve sa tahanan ng magkapatid na sina Malia at Razen. Dito muna sila pansamantala habang hindi pa nila nahahanap ang daan pabalik sa mundo ng mga tao. Nasa labas ng bahay si Azriel at matamang tinititigan ang pitaka niya habang nakaupo sa kapirasong kahoy sa lupa. Ibinuklat niya ito at tiningnan ang larawang nakasilid sa loob. “Yana, kailan mo ako makikilala?” bulong niya sa sarili habang nakatuon ang mga mata sa litrato. “Azriel!” Napalingon bigla si Azriel sa likuran niya nang may tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita niya ang paparating na si Red patungo sa kaniya. Mabilis niyang itiniklop ang pitaka at inibulsa. “Puwede ba tayong mag-usap?” tanong nito kay Azriel nang makalapit. “Tungkol saan?” “Tungkol sa lagusan patungo sa mundo natin,” sago

