Simula ng mangyari ang karumaldumal at kalapastanganan ni pokpok sa mga malusog kong dibdib ay hindi na ako pinatulog pa ng galit ko sa kanya. Gabi-gabi akong nagigising habang umiiyak sa sulok at tanging ang aking silid lamang piping saksi kung paano ako tumangis sa gabing madilim. Habang ang iba ay nahihimbing sa pagtulog, ako naman ay naghihintay sa pangako ni Allan na sampung libo bawat pamilyang Pilipino. Matapos ang shoot namin ngayon ay kaagad akong umuwi dahil magwawalwal kami ni Helena. Kailangan kong makalimot sa lahat ng mga nangyari sa pagitan namin ni pokpok. Buo na talaga ang desisyon kong umamin kay Daddy Sky tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Bahala na kung yes, no or maybe ang sagot niya. Basta kailangan na niyang malaman ang namumuo kong pag-ibig para kanya. Gusto

