Matapos ang huling pagkikita namin ni pokpok ay hindi na muli pa siyang nagpakita pa sa akin. Hindi na rin siya nag-chachat man lang at mukhang nagising na nga sa kabaliwan niya. Pati ako uutuin pa ng pagkakababero niya. Anong akala niya sa akin marupok? Alam na alam ko na ang linyahan ng mga babaero na katulad niya. Kaya walang papalit kay Daddy Sky sa puso ko. Para sa akin ay siya lang ang lalaking matino at loyal. Pilit ko na rin kinalimutan ang halik na yon. Iisipin ko na lang na panaginip o masamang alala. Hindi niya ako mauuto at for sure Tatay na siya ngayon. Narinig ko pa ang lahat ng sinabi ng babae sa restaurant na may nabuntis si pokpok at ang lalaki na iyon, basta na lang manghaharot. Ang galing niyang tumakas sa responsibilidad bilang isang ama. Kaya mas mabuti na hindi ko

