Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang halik na iyon, hindi pa rin ako kinakausap ni Rhea. Madalas niya akong iniiwasan. Hindi ako nagsisisi na ginawa ko yon. Gusto ko lang na kausapin niya ako at ipaliwanag sa kanya ang lahat. Gusto kong umamin sa kanya sa totoong nararamdaman ko. Pero ayaw niya akong makita man lang. At mukhang galit na galit pa rin siya sa akin. Handa akong tanggapin ang magiging desisyon niya kahit pa masakit. Una pa lang, alam ko na si Sky ang gusto niya. Kaya naman hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Anong magiging laban ko? What if may nararamdaman din si Sky para sa kanya? Handa ba akong magpaubaya sa kaibigan ko? "Hoy, Santillan! Baka naman malusaw na ang screen ng laptop mo! Kulang ka na naman sa babae!" buska ni Sky. "Pre, mukha ngang sobra sa

