004

2015 Words
Kabanata 4 B L A K E "Tol, 'yong crush mo, oh." Napalingon ako sa direksyong itinuro ni Tristan. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko pagkakita sa babaeng tinutukoy niya. Bitbit ang sangkaterbang mga libro, naglalakad ng mabilis si Alison patungo sa direksyon ng library. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ibalanse ang mga hawak na libro sa bilis ng kilos niya. Saka sa nipis ng braso niya, saan naman kaya siya kumukuha ng lakas para buhatin ang makakapal na librong iyon. Sa itsura niya ngayon parang wala nga lang sa kanya ang bigat ng bitbit niya. Napailing ako habang nangingisi. Babae ba talaga ang isang ito? Parang hindi naman yata babae 'to. First of all, she didn’t like me. No woman had ever dared to refuse me, just this woman. Second, she can insult me without even a single blink. She even called me a monkey. Does this woman know who I am? I don't think she knew that I could make her life hell while she was here. I smirked. Itinapon ko ang sigarilyong hawak ko at nagsimulang humakbang palapit sa kanya. Sinabayan ko ang mabibilis niyang hakbang. Bumagal ang hakbang niya nang mapansin akong sumasabay sa kanya. Bahagya niyang iginilid ang gabundok na mga librong bitbit para makita ako ng maayos. Agad siyang umirap nang makita ako. She pursed his lips. Umawang ang labi ko at nagtagal ang titig doon. Damn that rosy lips. I was very tempted to kiss those. Walang bahid ng kung anong tint ang mga labi niya, pero kahit na ganoon matingkad ang pagkapula nito. Ang sarap niyang halikan, kung hindi lang suplada ang isang ito, baka kanina ko pa 'to hinalikan. Ang buhok niyang nakalugay ay sumasayaw sa hangin habang patuloy siya sa paglalakad. May nakasalpak na earphones sa kanyang magkabilang tainga, at kahit nakita na niya ako ay nagtuloy-tuloy pa din siya sa paglalakad na para bang wala siyang pakialam sa presensya ko. I licked my lips and smirked. Walang pagdadalawang isip akong umakbay sa kanya. At dahil may bitbit siyang mga libro wala siyang nagawa kundi ang huminto at tignan ako ng masama. Pinilig niya sa kabilang side ang kanyang ulo kaya nahulog ang isang earphone na nakasalpak sa kaliwang tainga niya. Muli niya akong binalingan ng may matalim na titig. "What do you want?" she asked, her voice cold as ice. My smirk grew wider. "Yeah, good morning too," I said sarcastically. She rolled her eyes again and sighed. Halatang asar na asar na siya kahit wala pa naman akong ginagawa sa kanya. Wala naman akong sinabing pang-iinis kanya pero naiirita na agad siya? O ang presensya ko mismo ang sanhi ng iritasyon niya? Baka naman nagpapakipot lang ang isang ito para magpapansin. Tignan natin... "Pwede bang mamaya ka na lang mang-bwisit, huwag ngayon at hindi pa ako nakakapag-almusal, baka kung anong magawa ko sa'yo." Humalakhak ako. "Would you like to come and have breakfast with me, then?" Umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi. Hindi ko nanaman tuloy naiwasang mapatingin sa mga iyon. Bakit ba palagi na lang parang nang-aakit ang mga iyon kapag nakikita ko. Para bang gustong-gustong magpahalik ng mga ito. Pinilig ko sa kabilang direksyon ang ulo ko. “Baliw ka kung sa tingin mo sasama pa ako sa’yo.” Tumaas ang dalawang kilay ko. “Why? Iniisip mong iiwanan ulit kita kapag sumama ka sa akin ngayon?” “Hindi. Ayoko lang talagang sumama sa gago.” “Really? Eh, bakit ka sumama sa akin kahapon?” Tinignan niya ako ng matalim. Kahit ang mga mata niyang nanlilisik ay parang nang-aakit sa paningin ko. Damn! Am I so horny to think like this? Hindi naman ako ganito mag-isip pagdating sa ibang babae. Hindi din naman ako iyong tipo ng lalaking walang kontrol sa ganitong bagay. Siguro nga hindi ako marunong magpigil ng emosyon ko pero pagdating sa mga ganitong bagay, kontrolado ko ang sarili ko. Ngayon lang ako parang sasablay at sa babaeng ito pa. Dahil ba ito sa challenge na nararamdaman ko tuwing umiiwas at tinatanggihan niya ako? Kaya lang ba ako interesado sa kanya ay dahil na cha-challenge ako? Of course not. I'm attracted to her because she's f*****g hot. Iyon ‘yon. Dahil kahit naman noong hindi ko pa siya nalalapitan at nakakausap ay interesado na talaga ako sa kanya. Unang beses ko pa lang siyang makita alam ko na sa sarili kong attracted ako sa kanya. Unang beses ko siyang nakita sa bus station. Nakikipag-away siya doon sa konduktor na pilit silang pinagkakasya sa bus kahit sobrang siksikan na. Nadaanan ko lang iyon pero agad na siyang tumatak sa akin, hanggang sa makita ko siya ulit sa school, kasama ng kakambal ni Matteo na ka-team ko sa basketball. Pagkatapos no’n tinanong ko agad si Matteo kung kilala niya ba ang babaeng iyon. At nang makompirma kong magkakilala nga sila, hindi ko na tinantanan si Matteo sa pangungulit na kumbinsihin ang babaeng iyon na manood ng laro namin kahit pa sa practice lang. “Excuse me, hindi ako sumama sa’yo kahapon, pinilit mo ako! Magkaiba ang sumama ng kusa sa pinilit lang!” Pagalit niyang sabi. “Ngayon, pwede bang bitiwan mo ako at layuan? Naaalibadbaran ako sa presensya mo. Ang aga-aga, wala pa akong almusal, sinisira mo na ang araw ko,” may kalakasan niyang sabi, pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalong hinapit siya palapit sa akin. Mariin siyang nagmura. Fvck! Hindi bagay na may lumalabas na mura sa mga labing iyan. Gusto kong halikan iyon para patahimikin siya sa pagmumura niya. Mukha siyang anghel pero kapag nagsalita at kumilos na, magbabago bigla ang tingin mo sa kanya. She was like a monster disguised as an angel. “Iyon na nga, eh. Ang aga-aga, galit ka na agad. Tatanda ka agad niyan,” sinubukan kong magbiro, pero walang epekto at mukhang mas lalo lang siyang nairita. Seriously? Ano bang nagawa ko sa babaeng ito para kainisan niya ng ganito? Sa pagkakatanda ko, siya itong palaging may masamang nasasabi sa akin. Dapat nga ako pa ang magalit sa kanya dahil sa dami ng insultong natamo ko sa kanya. Tinawag niya lang naman akong unggoy. But I’m not a cry baby, so I'll let that pass. Kung hindi ko pa alam, nagpapakipot lang ang isang ito para mas lalo ko siyang mapansin. Hmm... “Wala akong pakialam kahit tumanda pa ako ng maaga, layuan mo lang ako.” “Bakit ang suplada mo?” “Get your filthy hands off me!” Mariing sigaw niya. Tumaas muli ang kilay ko pero agad namang sinunod ang gusto niya. Mahirap na, baka mamaya bumuga na ng apoy ang isang ito. Hindi ko na tuloy alam kung ano na ba talaga siya? Monster or dragon? Maybe both? Gusto kong matawa sa mga naiisip ko. Kung nababasa at naririnig niya lang ang mga iniisip ko baka kanina niya pa ako sinapak. May pagkasadista pa naman ang isang ito. “Ano ba? Akala mo nakikipagbiruan ako sa’yo? Wala akong oras para d’yan, pwede ba?” Umiling-iling siya, matalim pa din ang tingin sa akin. Pinanood ko lang bawat pagbuka ng kanyang bibig. Tangina… Gustong-gusto ko siyang halikan, kaya lang baka mas lalong mabwisit ang isang ito sa akin kapag ginawa ko ‘yon. Pero malay mo naman, Blake, baka kapag nakatikim ‘yan, biglang lumambot. Napailing akong muli sa naisip. “Layuan mo ako. Wala akong panahon sa mga kagaya mong fvck boy.” Mangha kong ibinalik ang tingin ko sa mga mata niya. “Katulad kong what?” ulit ko, mangha pa din sa itinawag niya sa akin. “Fvck boy. Hindi mo ba ako narinig? Mahina ba ang pandinig mo o sadyang hindi ka lang naglilinis ng tainga? Puro kasi kamanyakan ang alam mong gawin.” Umiling-iling siya at tinignan ako na para bang diring-diri siya. I pressed my lips together. This woman! Ilang beses niya ba akong lalaitin ng ganito? Kanina niya pa ako iniinsulto pero himalang hindi man lang ako tinatamaan sa mga sinasabi niya. Mas lalo pa nga yata akong namamangha na nagagawa niya ito sa akin. “Really, babe? Wala ka na bang alam kundi ang laitin ako?” Tumaas ang isang kilay niya, mukhang handa ng makipagbatuhan ng insulto sa akin. “Bakit? Nasasaktan ka na? Are you going to cry now?” Ngumisi siya. Kinagat ko ang labi ko habang may ngisi ding tumitig sa kanya. “Hindi mo na pinuna ang pagtawag ko ng babe sa’yo. I see. Nasasanay ka na, huh? Baka naman hanap-hanapin mo na ako niyan.” Ang ngisi niyang malawak ay agad napalitan ng simangot. Muling tumalim ang titig niya sa akin. Her monster side is on again, at wala akong magawa kundi ang pagmasdan lamang siya ng may malaking ngisi sa mga labi. “Huwag kang feeling, hindi kita type,” aniya bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Bahagya akong natawa. Sumunod naman agad ako sa kanya, sinasabayan ang bawat ang hakbang niya. Umirap siyang muli nang makitang nakasunod pa din ako. “Ano bang problema mo? Wala ka bang magawa sa buhay mo?” “Sabi mo hindi ka pa nag-aalmusal. Hindi pa din ako nag-aalmusal, sabay na tayo.” “And what makes you think na papayag akong sumabay mag-almusal sa’yo?” “Bakit naman hindi?” “I told you, ayokong sumama sa mga gagong tulad mo!” “Anong pruweba mo na gago ako?” Tumaas ang kilay niya, at sumimangot. Muli akong napatingin sa namumula niyang mga labi. “Bakit, hindi ba?” “Kung gago ako kanina pa kita hinalikan.” Mas lalo siyang napasimangot sa sinagot ko. Punong-puno ng pandidiri ang mga mata niya ngayon. Doon lang yata ako tinamaan ng pagka-insulto. Sa tingin niya lang na ganito. “Subukan mo at makakatikim ka talaga sa akin!” Tumawa ako kahit sa totoo lang nainsulto talaga ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Para bang diring-diri siya nang maisip na hahalikan ko siya. Pakipot pala, ah. ‘Yan ba ang pakipot lang, Blake? Sigaw ng kung sino sa isip ko. “Bakit ba inis na inis ka sa akin? Wala naman akong ginagawa sa’yo. I just want us to be friends.” She smirked. “Friends, huh? Walang mo kong gawing tanga. Alam ko kung ano ang habol ng katulad mo sa akin. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Kung ikaw maraming oras para sa mga kalokohan na ‘yan, pwes ako wala. Busy ako sa pag-abot ng mga pangarap ko, kaya please lang, huwag kang magulo at layuan mo ako!” “Makakaabala ba ako kung sasabay lang naman akong mag-agahan sa’yo?” Pumikit siya ng mariin, tila napupuno na sa pangungulit ko. Huminto siyang muli sa paglalakad para maharap ako. Napatingin ako sa mga librong dala niya. Hindi ba siya nangangalay sa kakabitbit noon. Mukhang may balak siyang isoli ang mga iyon sa library, pero ang dami naman noon. Binasa niya ba lahat ng iyon? Ibang klase nga talaga ang babaeng ito. ‘Yan ba ang sinasabi niyang pinagkakaabalahan niya? Boring. “Pwede ba! Hindi ako tanga para magpa-uto sa katulad mo, kaya kung pwede lang layuan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin, okay? Hindi ako uto-uto at higit sa lahat wala akong panahon sa’yo. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng willing na makipaglaro sa’yo, huwag na ako.” “Paano ba ‘yan, eh, ikaw lang ang gusto ko.” “Unggoy!” Inis at malakas niyang sambit. “Hoy, siraulo! Tigilan mo ako, huh? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi nga ako tanga para magpaniwala sa mga sinasabi mo. Tanga lang ang maniniwala sa kagaya mo. Babaero!” irap niya, bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Sa pagkakataong iyon hindi ko na siya sinundan pa, tinanaw ko na lamang siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng library. Hindi ko mapigilang mapailing habang nakatayo pa din sa pinag-iwanan niya sa akin. Babaero pala, ah. Mapapa sa akin ka din. Maghintay ka lang. Kakainin mo din lahat ng sinabi mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD