Simula
Simula
ALISON
Kakatapos lang ng huling klase ko nang maisipan kong magpunta muna sa covered court upang panuorin ang practice ng kaibigan kong si Matteo. Ilang beses na kasi niya akong kinukulit na puntahan siya sa practice nila. Hindi ko alam kung anong trip nun at bigla nalang akong gustong papuntahin sa practice nila ng basketball. Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko siya napapagbigyan sa gusto niya. Ngayon ko lang siya mapapagbigyan dahil maaga naman kaming pinalabas ng prof 'tsaka tapos na rin naman ako sa mga projects ko, kaya wala na akong masiyadong gagawin. Nakakapagtaka lang talaga na gusto niya akong manuod sa practice nila. Ano bang mayroon sa practice na yun at kailangang nandoon pa talaga ako? Buti pa kung may laban sila sa kabilang school, talagang pauunlakan ko ang pag-aaya niya kaya lang hindi naman ganun. Practice lang iyon tapos gusto niya pa nandoon ako? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang saltik ng isang yun. Hindi ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan ang isang yun gayong hindi naman talaga kami magkapareho mag-isip.
Nakilala ko si Matteo dahil sa best friend kong si Thalia na kakambal niya. Naging kaibigan ko si Thalia nung highschool at hanggang ngayon matalik pa rin kaming magkaibigan. Siya ang nagpakilala sa akin sa kakambal niyang si Matteo. Magaling naman makisama si Matteo kaya mabilis kaming nagkasundo kahit magkaiba kami mag-isip. Isip bata kasi siya habang ako naman ay parang matanda raw kung mag-isip. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin nila sa akin kahit hindi naman talaga ako ganun mag-isip. Hindi lang siguro ako katulad nila na madalas mababaw mag-isip.
Pagdating sa court ay agad akong naupo sa isa sa mga bleachers na naroon. Sa pinakamalapit ako naupo para makita ko ng maayos ang ginagawa nila. Nakakapagtaka na marami paring nanunuod ngayon dito kahit na practice lang naman ito. Puro babae pa ang mga nanunuod na walang ibang ginawa kundi ang tumili kapag nakaka-shoot ang mga players na gusto nila. Napailing na lang ako sa mga pinaggagawa nila. Hindi ko alam kung anong nakakakilig sa pag-shoot ng bola. Yes, nakakahanga naman talaga kapag may pumapasok na tira pero grabe naman yata sila kung mag-react. Pero kung sabagay buhay naman nila iyan kaya bakit pa ako makikialam? Ano namang karapatan ko para makialam sa trip nila? Bahala sila diyan. Nagsasayang lang sila ng oras sa pagpapantasiya sa mga lalaking 'to na mukhang wala namang pakialam sa kanila.
"I love you, Blake!" sigaw ng babaeng nasa likuran ko. Agad na lumingon sa direksiyon namin yung lalaking matangkad na sa tingin ko ay siyang sinisigawan nitong babae sa likod ko.
Sandali niyang tinignan yung babaeng nasa likod ko bago inilipat sa akin ang tingin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng kanyang mga labi. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng inis sa pagngisi niyang iyon. May nakakatawa ba sa mukha ko para ngumisi siya ng ganun?
Dahil sa sandaling pagkatigil ng lalaki ay napalingon na rin sa banda ko ang mga kasama niyang naglalaro maging si Matteo na siyang nagpapunta sa akin dito. Nang makita ako nito ay agad siyang kumaway sa akin. May sinabi siyang kung ano doon sa lalaking ngumisi sa akin bago lakad-takbong lumapit sa akin. Tinignan ko ang mga kasama niyang unti-unti na ring nagsisipag-alisan doon. Mukhang break na nila pero biglaan naman yata. Ibabalik ko palang sana yung tingin ko doon sa lalaking matangkad nang tuluyan nang makalapit si Matteo sa pwesto ko. Itinaas niya ang kanang kamay niya upang makipag-high five sa akin bago naupo sa tabi ko.
"Buti naisipan mong pumunta?"
"Nakakasawa na yung araw-araw na pagpupumilit mong pumunta ako," pairap na sabi ko. Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.
"Ano bang trip mo at kailangan mo pa talaga akong papuntahin dito? Buti sana kung may laban kayo sa ibang school maiintindihan ko pa pero practice lang naman ito, bakit kailangan nandito pa ako?"
"Request ni captain eh," nangingising sabi ng gago. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang yun. Anong pinagsasabi nitong siraulong 'to? Eh hindi ko naman kilala yung captain nila.
"Huh? Sino ba yung captain niyo d'yan?" Lilingon palang sana ako pabalik sa court upang hanapin yung captain na sinasabi nitong si Matteo nang bumungad sa harapan ko yung lalaking matangkad na ngumisi sa akin kanina.
Anong kailangan ng isang 'to?
"Looking for me?" nakangisi nanaman nitong tanong. Handa na sana akong sagutin siya ng pabalang kung hindi lang biglang sumingit itong si Matteo.
"Alison, this is Blake Faulkner. Our team captain," ani Matteo bago bumaling dun sa Blake.
"Oh, ayan na request mo captain," nangingising sabi pa nito.
Nagtatakang tinignan ko siya ng masama.
"What the hell are you talking about?" inis na tanong ko kay Matteo.
"Sorry, Ali," ngingisi-ngising sabi nito bago ako iniwan sa captain nila.
"What the hell, asshole!" pagalit na sigaw ko kay Matteo nang medyo makalayo na ito sa pwesto namin.
That jerk! Hindi ako makapaniwalang iniwan niya lang ako dito sa lalaking ito. Pinapunta niya ako para sa lalaking ito? Damn it! Sabi ko na nga ba may kalokohang pinaplano yung Matteo na yun kaya bigla na lang akong inaaya pumunta sa practice nila. Ito pala ang plano ng loko.
Nakangising naupo si Blake sa tabi ko. Tinignan ko siya ng masama.
"What do you want from me?" inis na tanong ko sa kanya. Ano bang kailangan ng lalaking ito sa akin at nakipagkuntsaba pa talaga siya sa unggoy na Matteo na yun?
"I'll be straight to the point. I want a date with you."
Tumaas ang kilay ko sa walang paligoy-ligoy niyang sinabi na iyon. Sa pananalita pa lang ng lalaking ito alam ko na kung anong klaseng lalaki siya.
"If that's the case then, I will also be straight to the point. I don't want a date with you," mariin at mabagal na sabi ko sa huling mga salita bago ngumisi at tumayo upang makaalis na doon.
Nagsayang lang ako ng oras ko dito. Sana umuwi na lang ako sa bahay. Humanda talaga sa akin yung Matteo na yun pag nagkita ko siya ulit.