001

1058 Words
  Kabanata 1   Alison   "Wait!" Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin sa palapulsuhan upang pigilan sa paglalakad paalis.   What the heck? Anong karapatan ng lalaking ito hawakan ako ng basta na lang? Mas dumoble ang nararamdaman kong iritasiyon para sa kanya. Pagalit ko siyang binalingan ng may matalim na tingin. Nakangisi pa rin siya na para bang namamangha siya sa ipinapakita kong reaksiyon. Padarag na tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.   "I already said I don't want a date with you. What else do you still want from me?"   "I said I want a date with you. I'm not asking for your permission."   Hindi makapaniwalang tinignan ko siya ng masama. Ang kapal naman pala talaga ng mukha ng lalaking 'to.   "Ang kapal mo!" I said, annoyed.   Mas lalong lumawak ang ngisi ng gago sa harapan ko kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Nakakabwisit talaga itong lalaking ito. Hindi lang siya nakakainis napakayabang pa niya. Hindi daw niya kailangan ng permiso galing sa akin para mai-date ako? Kapal talaga.   "Hoy! 'Wag ka ngang feelingero diyan! Hinding hindi ako makikipagdate sa katulad mo ano! Kapal ng mukha nito," inirapan ko siya ngunit mahinang tawa lamang ang isinagot niya sa akin.   "Anong tinatawa-tawa mo diyan? May nakakatawa ba?"   "You're cute."   Naningkit ang mga mata ko sa kanya.   "Insulto ba 'yan?"   Nagkibit balikat siya at mayabang na tinignan ako ng diretsiyo sa mga mata.   "It depends on your definition of cute."   Inirapan ko siya at handa na sanang talikuran ulit siya nang bigla niyang hablutin mula sa kamay ko ang cellphone na hawak ko.   "What the hell? Akin na yan!" Inis na inis na pilit kong inagaw sa kanya ang cellphone ko ngunit itinaas lamang niya ang kamay niyang may hawak ng cellphone ko sa ere upang hindi ko iyon tuluyang maagaw mula sa kanya. This jerk! Ano ba talagang kailangan niya sa akin?   "Ano ba! Akin na nga yan!"   "I'll just save my number here," natatawang sabi niya.   Sa sobrang tangkad niya ay hindi na rin naman ako nagpumilit pang agawin sa kanya ang phone ko. Matangkad ako pero hindi yun sapat para malamangan ang tangkad ng isang ito. Magmumukha lang akong tanga kung pagpipilitan ko pang agawin iyon mula sa kanya. Bahala siya sa buhay niya! Kahit i-save niya pa diyan ng ilang beses ang number niya hinding hindi ko siya tatawagan. Sino siya sa tingin niya para pag-aksayahan ko ng oras?   "Done," he said smirking bago inabot sa akin ang phone ko. Marahas ko iyong kinuha mula sa kamay niya bago ko siya tinalikuran upang makaalis na doon.   Hindi ko na kayang tagalan ang presensiya niya. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kayabangan niya. Hindi ko alam na may tao palang ganun kakapal ang mukha. Grabe ang kapal talaga. Kung makaasta akala mo kung sinong gwapo. Oo, gwapo nga siya pero hindi ibig sabihin nun lahat ng babae magkakandarapa na sa kanya. Dahil ako? Hinding hindi ako magkakagusto sa tulad niya. As in never. Hindi talaga.   Nang makalabas ako ng covered court ay agad kong pinakealaman ang phone ko para burahin ang number niyang sinave niya doon. Lalo akong nangigil sa inis nang makita kung ano iyong pinangalan niya sa sarili niya.   'Alison's'   What the hell is wrong with that guy?! Baliw ba siya o sadyang papansin lang? Nakakainis! Hindi ako makapaniwalang iniwan ako ni Matteo sa baliw na lalaking iyon. Humanda talaga sa akin ang isang yun. Kaya pala niya ako pinapapunta dito para sa captain nilang saksakan ng yabang naman. Akala mo kung sino. Nakakainis talaga!   "Ano? Inaya ka ni Blake Faulkner sa isang date? Oh my gosh!"   Napairap na lang ako sa naging reaksiyon ng kaibigan ko matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari kahapon sa court. Hindi ako makapaniwalang kinikilig pa talaga siya gayong sobrang bwisit na bwisit ko pa din sa nangyari kahapon. Ayokong ayoko kasi talaga sa mga mayayabang na katulad ng lalaking yun. Sobrang nakakairita kaya yung mga ganung tao. Sarap soplakin. Akala mo kung sino porque gwapo.   "Eh bakit parang nalugi ka?" nakataas ang kilay na tanong ng kaibigan ko.   "Hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan niyo doon sa lalaking yun. Puro kayabangan lang naman ang alam."   "Pero sobrang gwapo 'tsaka pag nasa court na siya sobrang nakaka-in love niya lalo."   Kumunot ang nuo ko at napailing.   "Nakaka-in love? Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Mai-in love ka na nalang sa taong yun pa? Hindi ko talaga ma-gets," naiiling na sabi ko.   "Ewan ko sa'yo. Minsan nagtataka na nga rin ako kung babae ka ba talaga eh. Isipin mo pinormahan ka noon ni Kenzo pero tinanggihan mo?"   Si Kenzo yung kaklase namin noon na nagbalak manligaw sa akin pero tinanggihan ko dahil wala pa talaga akong balak magkaroon ng boyfriend. Okay naman si Kenzo, mabait siya saka disenteng lalaki hindi katulad ng Blake na yun na saksakan ng yabang sa katawan. Hindi naman nagtampo sa akin si Kenzo noon kahit na tinanggihan ko siya. Nagkakausap pa din naman kami hanggang ngayon kapag nagkikita kami dito sa school. Iisa lang kasi ang school namin nung highschool at ngayon na college na kami.   "Wala pa akong panahon sa mga ganyang bagay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay bago 'yan. Distraction lang yan."   Umirap siya.   "Hindi ko talaga alam kung bakit kita naging best friend. Ang boring mo kaya kasama pero okay na din kasi kahit papaano ay may napupulot akong aral sa'yo," tumatawang sabi ni Thalia. Minsan nakakainis din itong isang 'to parang kuya niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero binaliwala lang niya.   "Eh ang weird mo kasi. Si Blake Faulkner na ang lumalapit sa'yo oh. Hindi mo pa pinapansin."   Kumunot ang noo ko nang may maisip.   "Kamag-anak ba ni Governor Vicente Faulkner si Blake?" kuryosong tanong ko.   "Sa pagkakaalam ko hindi. Sinabi na iyon noon ni Blake na wala siyang kaugnayan kay Governor Faulkner."   Tumango ako.   "Uy curious siya sa buhay ni Blake. Aminin mo na kasing nagwapuhan ka din doon sa tao."   "Wala akong pakialam kahit kasing gwapo  pa niya si Ryan Gosling."   "Ryan Gosling? Ano ba 'yan, Alison! Ang tanda naman na nun! Ang boring mo talaga!"   Napangisi ako. Ang arte talaga ng babaeng ito.   "Sino bang gusto mong sabihin ko?"   "Blake Faulkner?"   Napairap ako. Ugh! Wala na talagang matinong sasabihin 'tong babaeng ito.   "No, thanks," pataray kong sinabi na ikinatawa niya ng malakas.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD