Kabanata 70 A L I S O N Kabababa ko lang ng phone ko nang bumukas ang front door. Hindi agad ako tumayo dahil alam kong si Blake lang naman iyon, pero nang makita kung sino ang biglang pumasok ay mabilis akong tumayo. Parehong bumakas ang gulat sa mga mukha namin pero mas nauna siyang nakabawi sa pagkakagulat. Kung ano-anong ideya ang sumakop sa isip ko habang nakatingin sa kanya. Tulad ng, anong ginagawa ng isang Zamara Campbell sa condo unit ni Blake? Paano siya nakapasok? May susi siya ng unit ni Blake? Paano? Ganoon ba sila kalapit sa isa-isa para ipagkatiwala nito ang susi ng condo unit niya kay Zamara? Minsan ko ng narinig na magkaibigan daw ang dalawa pero hindi ko naman akalain na ganito pala sila kalapit na pati susi ng bahay ay naipagkakatiwala nila sa isat-isa. Hindi ko din

