Kabanata 12 A L I S O N Nang makarating kami sa Tagaytay ay huminto muna kami sa Picnic Grove para makapagpahinga. Maraming tao ngayon dito dahil isa din ito sa mga tourist spot dito sa Tagaytay. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa panunuod sa mga batang nagtatakbuhan at naglalaro. Ang iba naman ay sinubukang mag horseback riding kasama na doon si Matteo. Huli na nang mapagtanto kong kaming dalawa na lang ni Blake ang nasa cottage. Napabuntong hininga na lamang ako. Nananadya yata ang mga iyon, ah? Sana sumama na lang din ako kay Matteo mangabayo, kung alam ko lang na ang lalaking ito ang makakasama ko dito ng mag-isa. Akala ko ba hindi ka naaapektuhan sa kanya? “Mahilig ka sa mga bata?” puna niya nang makitang nakatanaw lamang ako sa mga batang nagtatakbuhan sa paligid. Nilingon ko

