Kabanata 106 A L I S O N Maya-maya pa ay niyaya na kami ni Blake na kumain muna. Nagpa-order na lang siya ng dinner namin since hindi na kami natuloy sa restaurant na dapat ay kakainan sana namin. Siya na din ang naghanda ng mga pagkain sa hapag. Naupo siya sa kabisera at ako ang nasa gilid niya, nasa tabi ko naman si Thalia na kanina pa tila pinapanood ang kilos naming dalawa ni Blake. Bumaling ako sa kanya nang hindi na makatiis. “May problema ba?” tanong ko. Agad na umiling si Thalia. “Wala naman,” aniya pero pakiramdam ko may gusto talaga siyang tanungin na hindi niya lang masabi. Tinitigan ko lang siya at naghintay na magsalita siya. Madalas kong gawin iyon noon kapag alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi. “Uh, pasensya na kung tatanungin ko ito, ah?

