Chapter Thirty Four Charm's PoV Maaga kaming umalis ni Aldred ng mansion papunta sa SP. Sasamahan niya akong kausapin ang organizer habang siya ay magtatrabaho sa isang mesa. Nakausap ko ang organizer at naipaliwanag ko na ang mga gusto kong mangyari. Ibinagay ko na rin ang list ng mga sikat na modelong inimbitahan ko at nag-confirm ng kanilang attendance bukas. Tiningnan niya ang mahaba-habang listahan. "I expected Miss Cynthia Luna to be casted here," sabi niya at hindi agad ako nakasagot. "Maliit na event lang naman po ito." Tumango ang organizer. "I understand. Naalala ko rin na mabagal ang recovery ng paa niya. Nasa news din na pupunta siya ng America for a surgery." "A-alis siya?" gulat na tanong ko. Alam kong nagkaroon ng problema ang paa niya, pero hindi ko akalain na ganoon

