Chapter Thirty Three Charm's PoV Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mabuti na lamang din at nakumbinsi ko si Aldred na maging hospital sa bisita namin. Kailangan namin siyang asikasuhin nang tama. Nakasabay namin si Rafael sa pag-inom ng kape. Napagpasyahan niyang sa SP na kumain para siguradong mapapasarap siya. Napagpasyahan din namin ni Aldred na subukan ang ilang food stall para may sarili kaming feedbacks. Bandang alas-diyes ay dumiretso na kami sa SP dahil ganoong oras ang bukas nito. Pagdating pa lamang namin ay sinalubong si Rafael ng isang lalaki. "Bro," bati nila sa isa’t isa. "Charm, Mr. Stasevich, this is Mico. Kaibigan ko na local dito sa CamSur. Isasama ko siya sa vlog." Tumango kami ni Aldred at dinala na sila ng isang admin sa unang stall na gusto nilang subukan. "

