Chapter Twenty Seven Charm's PoV Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang malaman kong pupuntahan ni Aldred si Cynthia. Gustuhin ko man siyang sundan ay hindi ko magawa. Alam kong hindi iyon magugustuhan ni Cynthia. Lumabas na lang ulit ako ng hotel at naglakad mag-isa sa sidewalk. Sobrang dami na namang bagay ang naglalaro sa isip ko. Alam kong kasalanan ko kung bakit umalis si Aldred. Pero nangako naman ako na babalikan ko siya agad, e. Napabuntong hininga na lang ako. Pinigilan ko ang sarili kong huwag pumunta sa ospital dahil binibigyan ko ng konsiderasyon ang mararamdaman ni Cynthia. Pumara ako ng taxi at nagpababa sa mansion ng mga Stasevich. Tahimik ang mansion, wala nang bago roon. Alas-onse na ng gabi. Pauwi na kaya si Aldred? "Miss Charm?" tanong ng guwardiya ng mansion. "Na

