Chapter Twenty Eight Charm's PoV "CamSur?" tanong ni Aldrick habang nagdi-dribol ng bola. Shinoot niya ito at muli akong nilingon. "Sa mansion daw kayo tutuloy?" "Hindi ko alam. Wala pa kaming plano, sa totoo lang," sabi ko. Hinubad ni Aldrick ang jersey niya na basang-basa ng pawis at tinaklob sa mukha ko. "Ano ba!" sigaw ko sa kanya at tawa siya nang tawang tumabi sa akin dito sa may gutter. Narito kami ngayon sa bahay at napagpasyahan niyang maglaro dito sa half-court ni daddy. "Kung maka-‘plano’ ka naman parang panghabang-buhay na desisyon ang gagawin ninyo," pang-aasar niya. Inirapan ko siya at ibinato pabalik sa kanya ang jersey. "Nagpahanda na ‘ko ng meryenda mo, Sir!" sarkastiko kong alok kay Aldrick nang dumating ang katulong na dala ang meryenda namin. "Marami pa po ba sa la

