Chapter Twenty Nine Charm's PoV Katulad ng sinabi ni coach, nagsimula kaming maglampaso. Habang ang iba ay nagpupunas ng kung anu-ano. "Pati tuloy tayo nadamay!" reklamo ni Erika at matalim akong tinignan. Nagma-mop din siya sa ‘di kalayuan at nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niyang nagpupunas naman. "Why does this gymnasium has to be this huge?" reklamo ni Eloisa. "Why do we need to be dragged in here?" Pagpaparinig ni Fatty kaya nilingon namin siya. "Kung sana kasi tinanggap na lang na wala na talaga sina Mr. Stasevich at Cynthia, e ‘di sana nagpapahinga na ang beauty namin!" Pagpaparinig din ni Lysa at nagtawanan sila ni Jessa. "Shinare ko ‘yong candid shots noong fashion show na nagsasayaw sina Charm at Aldred, bagay!" sulsol pa ni Jessa. Mas lalong napikon si Erika at humakb

