Chapter Twenty Three Charm's PoV "Hey, are you okay?" tanong ni Francis nang humiwalay sa akin at makita ang labis kong pag-iyak. "Tears of joy ba 'yan, Charm? Na-miss ka siguro, pare! Welcome back!" bati ni Gelo at niyakap si Francis. "Ngayon alam mo na kung para saan ang party na 'to. Welcome back party for Francis." Hindi ko magawang makisabay sa masayang pagbati at pagyakap nila kay Francis. Ramdam ko sa 'di kalayuan ang panonood sa akin ng isang nilalang. "Dito ka ba tutuloy ngayong gabi? Bakante pa rin ang kuwarto mo," sabi ni Bon. "Dito dapat. Sinabi ko na kay Gelo. But this girl requested me to take her somewhere. As much as I want to have a chitchat with you, pagbibigyan ko muna ang babaeng 'to," sabi ni Francis at hinawakan ako sa baywang. "Whoa! We couldn't agree more. Hav

