Chapter Twenty Four Charm's PoV Sa studio ng AIC kami dumiretso at nagsisimula na sila sa rehearsal. May mga amateur models din ang maglalakad sa fashion show. "Miss Cynthia, puwede magpa-picture?" tanong ng isang teen model na ngayon ko lang nakita. One of the aspirants yata. "Yea, sure." Ngumisi siya sa camera. Halatang sanay na sanay siya sa ganoong mga bagay. Marami pang aspirants ang lumapit kay Cynthia. Kahit halatang naiirita na kakangiti ay wala naman siyang magawa kundi ang ngumiti nang ngumiti. "Puwede po with Mr. Stasevich?" request pa nung isa at mas lumapad ang ngisi ni Cynthia. Nagtilian sila nang hilahin nito si Aldred para isama sa picture. Katulad ni Cynthia kanina, halatang naiirita na rin si Aldred. Ang pinagkaiba lang ni Aldred ay hindi niya itinatago ang iritasyon

