Chapter Twenty Five Charm's PoV Days have passed. Dahil na rin sa pagiging abala sa school at internship ko, hindi ko na namalayan ang araw na mabilis lumipas at naramdaman ko na lang bigla ang pressure ng fashion show na mangyayari na ngayon mismo. Mabuti na lamang at natapat ito ng sabado kaya hindi ko na kinakailangan pang um-absent sa school. Isang simpleng red asymmetric dress ang ni-design ko para sa sarili ko na gagamitin ko for this event. "Handa na ba ang mga kakailanganin mo?" tanong ni mommy na abala rin sa mga gamit ko kahit pa wala naman akong gagawin sa fashion show kundi ayusin ang tamang pagsusuot ng gowns and suits na ako ang nag-design. "Opo. Aalis na po ako, mommy! Bye." Nagpaalam na ako sa kanilang lahat at nagpahatid sa taxi papuntang AIC. Kahapon pa ako nagdaras

