Chapter 16

1837 Words
Zeke slammed the conference table hard because of anger, galit na galit siya nang malaman ang anomalya sa finance department. Alas nueve palang ng umaga at sira na ang araw niya. He never mentions names kung sino-sino ang sumabotahe sa budget nang supplies para sa bagong project nila sa Gensan. I silently smirked at the back of my mind while looking at his angry face. "Dismissed!" igting panga niyang usal bago tinapos ang meeting. "You'll never know it was me." Isa lang ito sa mga nasimulan ko nang plano sa pag-sira sa pangalan niya. I'll make sure every detail won't lead to me. Hindi ako pwedeng ma huli dahil hindi ko pa siya tuluyang napapa-bagsak. I get back to my track now, my revenge plan. Nakasunod ako sa kanya pa balik sa kanyang opisina. Niluwagan niya pa ang kanyang kurbata bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina. Hindi na ako sumunod sa loob ng opisina dumeretso ako sa aking mesa at ipinagpatuloy nalang ang mga naiwan kong trabaho kanina. Dahil sobrang dami kong ginagawa ay hindi ko na namalayan ang oras. It was 5 minutes before 12 in the afternoon, ilang minuto matapos masipat ang oras sa pambisig kong relo, he called me at the intercom. "Eve come into my office." I rolled my eyes and exhale some breaths before entering his office. Mula sa pagkakayuko sa binabasang dokumento ay iniangat niya ang kanyang ulo nang marinig ang pagbubukas at pag sara ng pinto. Habang naglalakad papunta sa kanyang direksyon ay umangat ang kanyang paningin mula sa mga papeles na kanyang pinag-aaralan patungo sa aking mga mata, magsisimula na sana siyang magsalita nang muling bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Iniluwa noon si Vanessa she is stunning in her black spaghetti strap jumpsuit romper, hapit na hapit iyon sa kanyang katawan at labas naman ang halos kalahati ng kanyang dibdib, dumagdag pa ang maayos na kolorete na bumagay sa mukha nito, saan man ito magpunta ay siguradong mapapalingun ang sinumang madadaanan niya. "Honey!" Maarte niyang sambit. Mabilis na nag lakad si Vanessa patungo sa direksyon ni Zeke, parang hangin ako nitong nilampasan sa aking kinatatayuan, ng makalapit ay agad siya nitong niyapos at siniksik ang balingkinitan nitong katawan sa matikas na katawan ni Zeke, ang huli naman ay walang kahit anong emosyong ipinakita sa kanyang mukha. Bigla naman nanlalaki ang aking mga mata ng mabilis hinagit ni Vanessa sa mukha si Zeke at ipinag lapat ang kanilang mga labi. Kumulo ang aking dugo at umigting ang aking panga sa nangyari, mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng pintuan, malakas kong isinara ang pinto at iritang bumalik sa aking mesa. Mukhang wala na siyang balak magtanghalian. Bitbit ang aking pitaka at cellphone ay nag lakad ako pa alis, balak kong bumaba at maglunch sa cafeteria ng nakasalubong ko si Joaquin Paolo na may dalang paper bag nang isang sikat na restaurant dito sa lugar. He was smiling widely the moment his eyes landed on me. "Krys! Buti na lang naabutan kita!" He said with a big smile on his face. Kulang nalang ma punit ang labi niya dahil sa malaking ngiti na naka pinta doon mula nang makita niya ako. "Yes Mr. Alvero? Do you need something?" "So formal, Paolo na lang. Balak sana kitang yayain mag lunch sa labas kaso baka busy ka pa rin kaya dinala ko na lang dito ang lunch natin para hindi ka na makatanggi. So shall we?" Masigla niyang sambit bago itinaas ang dala-dalang pagkain. "Hmm Makaka tanggi pa ba ako? Who doesn't want free food? Sa pantry na lang tayo." Nakangiti kong sambit sa kanya. Muli kong binagtas ang dinaanan ko kanina, nakasunod naman sa akin si Paolo. Walang bakas ni Zeke at Vanessa hanggang sa makarating kami sa pantry sa labas ng opisina ni Zeke. Mukhang nagkainan na ang dalawa. I suddenly feel irritated, bahagya ding sumikip ang dibdib ko, parang nakakabastos lang kasi na noong isang araw lang ako ang pinakasalan niya tapos ngayon may ibang babae siyang kasama sa loob ng opisina niya. I bite my lips as irritation fill my system, I need to breath hindi naman pwedeng kay Paolo ko ibunton ang galit ko kay Zeke, well simula nang makilala ko si Paolo hindi pa naman niya ako binabastos o pinakitaan nang masamang ugali kaya unfair kung sa kanya ko ibunton ang galit ko. "Washroom lang ako Pao." "Yeah take your time Krys ako nang bahala dito." As I enter the wash room agad akong, lumapit sa faucet at humarap sa salamin, I look at myself in the mirror, nagpakawala ako nang isang malalim na hinga, paraan upang maikalma ang aking sarili. "Why am I acting like this? Mali! Dapat wala akong pake alam! Krystaleen Eve wala kang pakialam sa kanya kaya wag kang umasta na parang misis na nagseselos dyan! Focus. The plan is to get even!" Halos mahila ko na ang buhok ko mula sa aking anit dahil sa pag sabunot ko doon after some minutes nagtagumpay din akong pakalmahin ang aking sarili at e-dikdik sa aking utak ang mga plano ko. I went out of the wash room and walked towards Paolo's direction with a smile on my face. Katatapos niya lang maghanda ng hapagkainan nalipat ang mga mata niya mula sa lamesa pa tungo sa akin. Nang makalapit ako sa lamesa ay agad nagtubig ang aking bibig sa pagkain nakahanda sa mesa. Partida pang hindi ako nakapag agahan kanina dahil sa pagmamadali kong pumasok kaya gutom na gutom ako ngayon. Akmang magsasalita na sana ako para purihin ang pagkain nang biglang. Grrrrrr.... Malakas na tumunog ang tiyan ko. Napa-ngiwi ako bago nahihiyang nag-iwas ng tingin sa mesa. "Someone's hungry. Let's eat." Tudyo ni Paolo sa akin bago ako iginiya patungo sa upuan sa harap nang mesa, ipinaghila niya pa ako nang upuan bago pumwesto sa harap ko. Gentleman. "Thank you Pao. Hindi ka ba busy?"i asked habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko. Nakakatuwa lang dahil kahit kaming dalawa lang ang kakain bukod sa kanin ay may dala siyang tatlong ulam, dessert, at may pa pineapple juice pa para sa inumin. "Hmm…. Today is my rest day." He said after putting a slice of garlic chicken on my plate. "Hindi ba ako istorbo sa iyo? Dapat nagpapahinga ka pala today." "Of course not! I'll always find time…. for you Krys." sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko. Mula sa aking mga mata ay bumaba ang kanyang tingin, nahagip nito ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. I saw his eyes looking at my ring finger. I am wearing my wedding ring at the moment. Isinoot ko iyon kanina sa loob nang banyo bago lumabas. I raise my eyebrow while looking at his handsome face. Yes. His handsome. Having his foreign features na bagay na bagay sa kanya hindi man kasing pogi ni Zeke na may kasamang ibang babae ngayon, siguradong isa si Paolo sa mga binatang lilingunin nang mga dalagang madadaanan niya. I don't know kung totoo ang sinasabi ni Zeke na may gusto ang lalaking ito sa akin pero if yes I have to make him stop. Wala siyang mapapala sa akin dahil hindi ko priority ang makipag relasyon ngayon. "What is this all about? I mean... Hindi ka naman siguro bored lang at walang ibang mapaglibangan." Unti-unti niya akong nilingun matapos mag sandok ng kanin para sa kanya. May bakas ng nagmamaang-maangan ang kanyang mukha. Pinan-liitan ko siya ng tingin sa aking nakita. "Oops! Kain muna tayo mamaya na lang natin pag usapan yan." Pag iwas niya sa usapan bago pa iyon lumabas sa bibig ko. I rolled my eyeballs in front of him na agad naman niyang ikinatawa iyon. We started eating the lunch he brought. Habang kumakain at na-uusap kami ng mangilan-ngilan na mga bagay at doon ko napatunayan na we were similar in some things. May mga bagay na pareho naming gusto. Tulad ng pareho kaming mahilig sa frappe, pareho kami ng pinasukang school sa highschool pati pareho kaming wala nang nanay. According to him his grandfather raised him while growing up. Nung nag collage lang siya saka niya nakilala ang tatay niya at ngayon ay siya na ang namama lakad sa kompanya nito. Nang matapos ay ako ang nagligpit ng pinagkainan naming. He was just sitting on his chair while watching me cleaning up the table. Nag insist pa siya pero hindi na ko pumayag at ginawa kong palusot ang pag-aayos niya ng pagkain kanina para ako ang magligpit ngayon. Malalim ang pagkakatutok niya sa akin nang malingun ko siya matapos maghugas ng kamay. "Paolo." sambit ko sa pangalan niya. He blinks twice before he smiles at me. "Hmm... Krys I've been thinking about this since the last time I went here. Ayaw kitang biglain kasi kakakilala lang natin..." Napalunok pa si Paolo bago iniiwas ang tingin sa akin. Ilang sandali pa muli niyang ibinalik ang kulay abong mga mata niya sa akin. "C-can I court you? I like you so much Krys." May hint na ako pero nakakabigla pa rin pala kapag sa bibig niya mismo nanggaling na may gusto siya sa akin. Napailing na lang ako hindi alam kung anong sasabihin. "Turn him down Krystaleen!" My brain pushes me. "I'm sorry Pao, you are great but I can only offer you friendship. I-im already married, Pao." Pag-amin ko sa kanya sabay pakita nang wedding ring ko. Napasinghap siya nang malakas dahil sa inamin ko sa kanya, hindi makapaniwala ang kanyang mukha at may bakas pa nang panghihinayang sa kanyang mga mata. "S-so w-who's the lucky guy?" Naka ngiwi niyang sambit halatang dismayado sa pasabog ko. Umiling ako't hindi sinagot ang tanong niya. Nag iwas ako nang tingin sa kanya. "But we can still be friends right?" he asked. "Of course! Friends!" I said while offering my hand for a hand shake. "Friends." He said while smiling in front of me. Maghihiwalay na sana ang aming mga kamay ngunit na udlot iyon ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto nang opisina ni Zeke, padabog na lumabas at isinara ni Vanessa ang pinto na siya naman naming sinundan ng tingin. Hindi nagtagal ay muling lumabas sa pinto ang maaliwalas na mukha ni Zeke na halatang may hinahanap. Palinga-linga siya sa paligid maya maya ay napako ang tingin niya sa amin na hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Mula sa amin mukha ay bumaba ang kanyang tingin sa magkahawak naming kamay ni Paolo, na nakalimutan naming paghiwalayin dahil nga sa paglabas ni Vanessa kanina. Ang kaninang maaliwalas na mukha ni Zeke ay unti-unting dumilim, nagkaroon siya ng isang malamig at galit na expression sa mukha, pa simple kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Paolo at nag kuwaring pinulot ang kung anong nahulog sa ilalim ng mesa. Nakita ko pa ang unti-unting pag hakbang ni Zeke patungo sa kinauupuan namin. Dahil doon ay agad nagrigudon ang bawat t***k nang puso ko na tila nahuli ako sa isang nagawang kasalanan. His cold baritone voice echoed in the whole pantry. "What are you doing here?" ~JeMaria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD