
18 years old pa lang nang maulila si Kaila Samonte kaya naman isinama siya ng kaniyang tiyahin sa Hacienda Fontanilla kung saan ito naninilbihan bilang mayordoma.
Makikilala niya doon ang anak ng mag-asawang Don Gerardo at Madam Helen Fontanilla na si Grey Fontanilla.
Sa kabila ng magkalayong estado sa buhay
at walong taong agwat ay hindi iyon naging hadlang para mamuo ang espesyal nilang pagtingin sa isa't-isa.
Pero paano kung ang ina mismo ni Grey ang tumutol sa namumuo nilang pagmamahalan at gawing impyerno ang buhay ng dalaga?
Kaya bang mamili ni Grey sa dalawang mahalagang babae sa buhay niya?
