Jules' POV
Ano ba itong nagawa namin ni Vincent! Sobrang nakakahiya ako! Dapat kasi hindi ako uminom ng uminom ng alak na ibinigay sa akin ng waiter kagabi eh!
Isama mo pa na andami-daming tinatanong ng ibang mga co-editors ko kagabi that made me so embarrassed kasi puro tungkol kay Vincent ang tanong nila.
Something along the lines of 'Bakit ikaw na lang at si Ate Mimi ang editor ni Sir Vincent?'
'May nangyari na ba sa inyo?'
'Oo nga, balita ko kasi eh kaya maraming hindi tumatagal kay Sir Vincent ay dahil tirador siya ng mga editors na kagaya mo.'
'Masarap ba? Papable pa naman si Sir Vincent teh!'
Grabe, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila at hiyang-hiya ako para sa kanila sa totoo lang dahil nga sa mga lumalabas sa bibig nila. I mean, hindi ba sila nahihiya sa mga sarili nila?
Buti na lang at naka-survive ako kagabi. Nagulat din talaga ako na may award pala akong makukuha doon sa event, ni hindi ako informed! Kaya tuloy magkanda-utal-utal na ako sa kaka-speech. Hindi kasi talaga ako informed tungkol doon.
Strange enough, kinilig din ako sa speech ni Vincent. I looked at him. Hindi mo aakalaing nag-confess itong baklang 'to kagabi! Eh paano ba naman, relaxed na relaxed ang gago. Isabay mo pang pangiti-ngiti pa siya ngayon jusko! Naramdaman ko nalang na umiinit na naman ang mga pisngi ko dahil sa kakatingin sa kasama ko kaya't itinigil ko na. Bakit kasi ang gwapo!
I sighed. Oo nga pala, nandito kami sa St. Lukes BGC dahil doon si Vincent nagpa-lagay ng cast noong mabangga namin siya ni Kuya Manong Driver ng Taxi. Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa Orthopedic Office ni Dr. Evan, iyong gumamot at naglagay sa kaniya ng cast.
"I'll just be a few minutes. Puntahan mo na ang mom mo." Nakangiting sabi ni Vincent. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko maiwasang mag-iwas agad ng tingin dahil sa titig na titig siya at dahil ang guwapo guwapo niya talaga kapag nakangiti siya.
Tumango ako. Dito na din pala naka-confine si Nanay kaya't habang nakikipag-usap siya sa Doctor ay puwede kong bisitahin si Nanay.
"Thank you." Sinserong sabi ko atsaka tinahak ang daan patungo sa cancer patient's ward. Ilang buwan ko ding hindi nabisita ni Nanay. Nagui-guilty tuloy ako, kasi naman ay naging busy din kasi ako sa pagha-handle ng workloads ni Vincent. Hays.
Kumatok muna ako sa pinto bago ko ito binuksan. Nakita ko ang nakatalagang nurse ni Nanay sa kaniya na si Ms. Trisha. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at ginawaran ako ng masayang ngiti.
"Jules! Andiyan ka pala!" Sambit ni Trisha at nang makalapit siya sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap.
"Kamusta si Nanay?" Tanong ko nang makapasok ako sa kuwarto at agad kong tinungo ang upuan sa tabi ni nanay at umupo. Napa-buntong hininga si Trisha.
"Okay lang naman si Nanay mo, iyon nga lang ay palagi siyang pagod kaya't halos ilang oras ang itinutulog niya lagi. Epekto kasi ng chemo." Pagpapaliwanag niya. Tumango na lang ako.
Hindi na ako nagtataka sa ganoon dahil talaga namang kahit na dating nagche-chemo si Nanay ay talaga namang ganoon.
"Nay, nandito na po ako." Sabi ko nang makaupo ako sa may tabi ng kama niya. Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ito.
"Sige, Hulyo. Sibat muna ako at may isa pang pasyente akong bibisitahin ha." Sabi ni Trisha na tinanguan ko lang at lumabas na ng kuwarto.
Mga ilang minuto din akong nakatingin kay Nanay nang mapa-pitlag siya at magising. Nang bumalik naman na sa focus ang mga mata niya ay napa-lingon siya sakin.
I managed to muster the brightest smile that I could. Ayaw ni nanay nang nakasimangot at naga-alala sa kaniya kaya naman kailangan kong umakto nang parang hindi ako masyadong naga-alala sa kondisyon niya.
"Anak! Aba'y napadalaw ka?!" Mababakas ang sobrang pagka-gulat sa kaniyang mukha. Medyo lumiwanag at umaliwalas din ang paligid dahil sa pag-ngiti niya.
"Bumibisita lang po, Nay!" Magiliw na sambit ni Jules.
"Akala ko ay nakalimutan mo na ako dahil sa sobrang busy mo eh!" May halong pagta-tampong sabi ni Nanay na nakapag-palungkot sa akin. Pero agad kong pinasaya at pinasigla ang itsura ko.
"Sobrang busy nga po, Nay. Pasensya na po kayo." Hinging-paumanhin ko bago ako nagpa-tuloy. "Pero Nay, marami po akong kuwentong baon para sa inyo!"
Agad kong kinuwento ang mga nangyari sa aming magkaka-patid nitong mga nakaraan kay nanay. Natatawa si nanay kapag ang usapan na ay ang kapilyuhan ng mga kapatid ko. Nakakatawa naman kasi talaga sila. Tapos pina-kita ko din iyong mga picture ng unit na tinutuluyan namin ngayon at pati na pictures naming magkakapatid at ni Vince. Ang latest lang naman na picture namin ay itong huling gabi lang.
Namula ako nang maipakita ko nang di sinasadya ang picture naming dalawa ni Vince kagabi. We were side by side, he's holding his trophy while I'm holding mine at naka-pose kami for selfie. Nagulat din ako nang ma-take iyang picture na iyan dahil nang mai-click ang capture sa cellphone ko ay agad akong ini-kiss ni Vince at naka-nguso pa talaga ako dahil iyon naman talaga ang original pose ko sa selfie.
"May dapat ba akong malaman patungkol sa inyo ng amo mo?" Tanong ni nanay na mas lalong nakapagpa-blush pa sa akin.
Tumingin ulit si nanay sa selfie namin. "Mukhang nagkaka-mabutihan na kayo ah?" Mapang-asar na tanong niya sa akin. I flailed, unable to tell her what happened. Sa ganoong scenario ako nadatnan ni Vince. He even had the audacity to look smug and amused! This guy!!!!
"Gising na po pala kayo, Madame." Nakangiti niyang turan kay Nanay. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang mapadako ang tingin niya sa akin.
"Pasok ka, hijo." Sabi naman ni Nanay.
"Okay ka na? Ayos naman ba ang tests at natanggal ba nang maayos ang cast mo?" Tanong ko nang mapansing hindi na naka-sling ang arms niya at wala na din ang cast. Nag-thumbs up naman siya sa akin bilang tugon.
"Nga pala, hijo. Tamang-tama ang dating mo dahil may itatanong nga pala ako." Sabi ni Nanay, dahilan para kabahan ako.
"Ano po iyon, Madame?" Sabi ni Vince sabay lapit sa may tabi ko upang umupo sa isa pang upuan sa tabi ng kama.
"Ano ang meron kayo ng aking anak?" Straighforward na tanong ni Nanay, causing Vince to choke in his own spit and cough, while my eyes went wide and I was blushing furiously.
"Nay!" I exclaimed. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sagot ni Vince.
"Mag-boyfriend po kami, T-tita."