Alice “Dito ang post mo,” sabi ni Sir Rene habang itinuturo ang bakanteng mesa malapit sa gilid ng open office. Katabi iyon ng ilang workstation na okupado ng tatlong babae at isang lalaki—mga sekretarya, base sa ayos at kilos nila. “Thank you, Sir Rene,” sagot ko, pilit pinapanatiling maayos ang boses ko kahit ramdam kong may mga matang nakamasid na agad sa akin. “Para malinaw,” dagdag ni Sir Rene, bahagyang ibinaba ang boses, “assigned ka dito sa Office of the CEO. Pero may instruction si Sir Lance na pwede kang hiramin ng Marketing Department kapag kailangan nila ng extra hand, since aligned naman sa course mo.” Tumango ako. “Opo, Sir. Naiintindihan ko po.” Sa loob-loob ko, bahagyang kumabog ang dibdib ko. Office of the CEO. Ibig sabihin, kahit gusto kong umiwas… malapit pa rin a

