Mature Content Lance “Diretso na kami sa airport bukas. Are you sure okay ka lang na mag-isa sa condo?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Annabelle habang mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Alice, parang ayaw pa nitong bumitaw. Alam kong dito sila mag-i-stay ni Kuya Lemuel sa hotel para sa honeymoon nila. At bukas, Singapore na agad para sa continuation. “Mom, malaki na ako,” nakangiting sagot ni Alice, pero kita ko sa mata niya ang lungkot na pilit niyang tinatago. “Kaya ko na ang sarili ko. Please, mag-enjoy ka lang kasama si Tito Lemuel. You deserve it.” “Sa tingin ko,” biglang singit ni Kuya Lemuel, seryoso pero mahinahon ang tono, “pwede mo na akong tawaging Daddy.” Natahimik ang paligid. “Kung gusto mo lang naman,” dugtong niya agad, parang ayaw magmukhang namimilit. “I’m not

