Lance “Paano, aalis na ako,” sabi ni Dad habang inaayos ang suot niyang coat. Tinapik niya lang ang balikat ni Kuya Lemuel, isang maikli pero makabuluhang tapik bago tumango kay Annabelle at tuluyang tumalikod. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang a-attend siya. Akala ko, matagal na niyang isinara ang pinto para kay Kuya lalo na at hindi nito sinunod ang gusto niya noon. Kaya ngayong nakita ko siyang naroon, kahit tahimik lang, kahit walang drama… I’m relieved. More than that, I’m happy. Para kay Kuya. Para sa araw na ‘to. Isa-isang nag-alisan ang mga bisita. Unti-unting bumabalik sa pagiging tahimik ang event hall. Katahimikan na naiwan pagkatapos ng isang malaking pangyayari. Ready na rin sana akong magpaalam. “Nasaan na ba si Alice?” tanong ni Annabelle habang nakatingin sa paligid.

