Alice Wala na rin akong nagawa kundi pumayag sa gusto nila Mommy at Tito Lemuel. I know—lahat ng desisyon nila, para sa ikabubuti ko. Hindi nila kasalanan kung anuman ang namamagitan sa akin at kay Lance. Hindi nila alam. At mas lalo, hindi nila kailangang madamay. Lumipas ang mga araw na parang mabilis na eksena sa isang pelikula, hanggang sa dumating ang araw na matagal nang hinihintay. Araw ng kasal ng aking ina. Masaya ako para sa kanya. Totoong masaya. Ang swerte ni Tito Lemuel sa kanya pero masasabi ko ring swerte rin si Mommy sa lalaking iyon. Sa bawat kilos ni Tito Lemuel, sa bawat pag-alalay, sa bawat tingin niya kay Mommy, halata kung gaano niya ito kamahal. Kapag tinititigan niya ang aking ina, parang wala nang ibang tao sa paligid. Para bang si Mommy lang ang buong mundo

