Chapter 22

1254 Words

Alice “Mabuti at nandito ka na,” masayang sabi ni Mommy pagpasok ko pa lang ng bahay. Halata ang tuwa sa boses niya, parang may gustong ipagyabang. “Nandito na ang Tito Lance mo.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nagpaling ng tingin sa direksyong tinuro niya—at doon ko siya nakita. Si Lance. Prenteng nakaupo sa sofa, isang braso nakasandal sa sandalan, relaxed ang postura… pero diretso ang tingin sa akin. Parang alam niyang darating ako sa eksaktong sandaling ‘yon. “Mabuti at nandito ka na,” ulit ni Mommy, nakangiti pa rin na parang walang anumang tensyon sa hangin. “Nandito na ang Tito Lance mo.” “Magpapalit lang po ako ng damit,” mabilis kong sabi. Lumapit ako at humalik sa pisngi ng Mommy ko, saka agad na tumalikod. Kailangan ko ng distansya, kahit sandali lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD