Alice “Okay ka na ba talaga?” maingat na tanong ni Shirley habang marahang hinahalo ang iced coffee niya. May foundation week kaya sobrang gaan ng schedule namin—walang klase, walang deadlines. Kaya heto kami ngayon, nakatambay sa isang café malapit sa campus, pretending na chill lang, kahit hindi naman talaga. “Okay lang,” sagot ko, sabay pilit na ngiti. Pilit. Kasi kahit ilang beses ko pang sabihin ‘yon, parang hindi rin ako kumbinsido. Naikwento ko na sa kanya ang lahat. Ang dinner date namin ni Javier, kung paano biglang nag-iba ang atmosphere nang dumating si Mrs. Smith, at kung paano ako pinagsalitaan nito na parang isa lang akong passing phase sa buhay ng anak niya. Hindi ko rin pinalampas kung paano ako hinila ni Javier palabas ng restaurant, halos walang pakialam kung may makak

