Lance
“Hindi mapalagay si Annabelle ,” simulang sabi ni Kuya Lemuel habang nakatingin sa kape na hawak niya. “Hindi raw kasi nagsasabi si Alice kung saan-saan siya nagpa-part-time.”
Bahagya siyang napabuntong-hininga bago nagpatuloy. “Hindi ko pa siya pwedeng kuhanin sa company. Hindi pa afford sa ngayon. Pero… I know you can.”
Napalunok ako, sabay isang mahabang hinga ng maluwag. Yung tipong parang may mabigat na batong biglang naalis sa dibdib ko. Akala ko kung ano na. Akala ko… nalaman na niya ang tungkol sa amin ni Alice.
Na muntik na akong mahuli.
Na muntik nang gumuho ang lahat.
“Wala namang problema, Kuya,” sagot ko agad, mas mabilis pa sa normal. “I can accommodate her. I’ll make sure na maayos ang schedule at hindi siya mahihirapan.”
Napangiti siya sa sinabi ko, isang ngiting halatang may halong pasasalamat at ginhawa. “Alam mo ba,” sabi niya, “ayaw kasi talaga ng batang ’yon na humihingi sa Mommy niya. Kahit anong pilit ni Annabelle.”
Tumawa siya nang mahina. “Sabi niya, basta kung importante at talagang kailangang-kailangan na lang daw, saka siya lalapit. Ayaw niyang maging pabigat.”
Hindi ko napigilan ang tanong na matagal nang umiikot sa isip ko. “Pero bakit pa siya nagpa-part-time kung kaya naman siyang suportahan ni Annabelle?”
Hindi ko rin napansin na direkta kong ginamit ang pangalan. Hindi ko talaga kayang tawaging Ate ang fiancée niya—o kahit sino pang naging asawa ng mga kuya ko. Lahat sila, puro pangalan lang walang ate.
“Gusto niyang pumunta sa South Korea after graduation,” sagot ni Kuya Lemuel. “Alam mo na… panggastos niya roon. Ayaw niyang umasa.”
Tumango ako, pero hindi pa doon natapos ang paliwanag niya.
“Tsaka kapag may gusto siya—kahit alam niyang hindi naman kailangan—hindi talaga siya humihingi. She works for it. Every single time.”
May bahagyang diin sa huling salita, parang proud na proud.
At doon, may kung anong kumurot sa dibdib ko.
Tahimik lang akong nakaupo, pero sa loob-loob ko, ramdam ko ang paghanga kay Alice na unti-unting lumalalim. Hindi siya katulad ng karamihan sa mga babaeng nakikilala ko—yung sanay humingi, sanay magpa-asa, sanay umasa sa apelyido o sa lalaking kasama nila.
Mukhang iba si Alice, marunong siyang tumayo sa sarili niyang paa.
Kaya pala nagalit siya sa akin.
Ngayon ko lang talaga lubos na naintindihan. Noong inabot ko sa kanya ang ATM na pang-allowance sana niya, akala ko simpleng bagay lang. Walang malisya. Walang kapalit na hinihingi. At least, ganon ang pagkakaintindi ko noon.
Sa isip ko, I’m just helping.
She satisfies me—oo. Hindi ko ikakaila ’yon. At sa mundo ko, kapag may nagbibigay sakin ng ganong klaseng satisfaction, natural lang na gusto kong may mapala rin siya. Hindi dahil obligado siya, kundi dahil ganon ako mag-isip. Give and take. Fair.
Pero siya… minasama niya.
Mas lalong ikinagalit niya nang masabi ko—walang preno, walang filter—na kung ibang babae ang nasa sitwasyon niya, walang gatol at walang pagdadalawang isip nang kinuha iyon.
At doon ko lalo nakita ang pagkakaiba niya.
She would rather work.
She would rather earn.
She would rather sweat for what she wants than take something she didn’t ask for.
Hindi siya sanay na may isinusubo sa kanya—even if kaya kong ibigay. Even if madali lang para sa ’kin o sa Mommy niya.
At imbes na mainis lang ako… may kung anong humigpit sa dibdib ko.
This is exactly why she’s different.
Hindi siya yung tipo ng babaeng mabibili ng pera o maaamo ng convenience. Hindi siya yung pwedeng sanayin na aasa. She draws the line—and she makes sure you see it.
At sa halip na umatras ako… mas lalo akong nahila papalapit.
This made me want to keep her.
Not to own her.
Not to cage her.
Just… keep her.
Hanggang sa matapos ang kontrata namin.
“Thank you, Lance. At least makakahinga na ng maluwag si Annabelle ngayon,” sabi ni Kuya Lemuel, may ngiti ng tunay na pasasalamat sa labi.
Tumango lang ako, pero sa loob-loob ko, may bahagyang pag-uga ang dibdib ko, hindi dahil sa bigat, kundi dahil sa isang lihim na alam kong hindi ko pwedeng ipahalata.
“Anong course niya?” tanong ko, kunwari casual lang. Of course alam ko na dahil lagi na kaming nagkikita sa mga oras na ang alam ni Annabelle ay nasa part time job niya siya.
“Graduating na si Alice sa Marketing,” sagot ni Kuya. “If you can assign her sa field na ’yon, mas maganda. I’m sure marami siyang matututunan at mae-experience sa company mo.”
Naintindihan ko agad ang gusto niya. Practical. Logical. Wala namang problema sa akin ’yon—lalo na at alam kong kaya kong i-accommodate ang request na ’yon nang maayos at propesyonal… at kahit masyadong personal kung tutuusin.
“Walang issue,” sagot ko. “Bigay mo lang sa akin ang schedule niya para alam ko kung saan siya pwedeng i-assign. Magde-depende na lang sa oras at availability niya.”
Sandali akong huminto bago idagdag, mas mahinahon ang boses. “Still, sisikapin kong maging madalas siya sa marketing. Mas maraming exposure, mas maraming matututunan. Sayang din kung hindi niya magagamit ’yung course niya.”
Kita ko ang ginhawang dumaan sa mukha ni Kuya Lemuel.
“Salamat ulit,” sabi niya. “You’re the best.”
Nginitian ko lang siya bilang tugon. Isang ngiti na sanay akong isuot. Yung kontrolado, propesyonal, walang bakas ng kung ano mang lihim.
Pero sa totoo lang… parang mas pabor pa sa akin ang lahat ng ito ngayon.
Mas madalas ko siyang makikita.
Mas madalas kong mararamdaman ang presensya niya.
Mas mahirap umiwas. Mas mahirap magpanggap.
Sa likod ng lahat ng rason na tunog responsable at makatuwiran, alam kong may isang katotohanang hindi ko puwedeng ipagsigawan—
This arrangement doesn’t just help her.
It tempts and favors me.
Umalis na si Kuya Lemuel hindi nagtagal, pero bago pa siya tuluyang lumabas ng opisina, inimbitahan niya na rin ako sa isang dinner. Simpleng salu-salo raw bilang pasasalamat.
Una, tumanggi pa ako. Hindi naman na kasi kailangan ng ganon. We're family at maliit na bagay lang.
Pero nang mabanggit niya ang pangalan ni Alice—
Nagbago ang isip ko.
Hindi na ako tumanggi.
Gusto ko siyang makita. Hindi lang basta makita—gusto kong masaksihan. Gusto kong makita kung paano niya itatago ang emosyon niya sa harap ng mga taong mahalaga sa kanya. Gusto kong malaman kung gaano siya kagaling magpigil kapag bigla niyang nalaman na—
Sa akin na siya magtatrabaho.
Sa buong biyahe pauwi, paulit-ulit na umikot sa isip ko ang eksenang iyon. Ang sandaling babanggitin ni Kuya Lemuel ang pangalan ko. Ang bahagyang pagkatigíl ng paghinga niya. Ang sandaling magtatama ang mga mata namin—ako, handa; siya, hindi.
I imagined it vividly.
The discomfort she would try to hide.
The fear she wouldn’t admit.
The anxiety she would mask behind that calm, composed exterior of hers.
At ang mas nakakagulat?
Hindi ako nakaramdam ng guilt.
I felt anticipation.
Hindi dahil gusto ko siyang saktan—hindi.
Kundi dahil gusto kong makita kung hanggang saan niya kayang panindigan ang prinsipyo niya… kahit ako na ang nasa gitna ng lahat.
I want to see her struggle.
Not to break her.
But to remind her—
That no matter how hard she tries to stay in control, there are situations you can’t simply walk away from.
And this time, she won’t have that choice.