Lance
“Okay,” sabi ko habang marahang ibinababa ang tablet sa mesa, “gusto ko nang makita ang final design ng VR headset. Make sure na elegante ang dating—yung tipong kahit hindi gamer, mae-engganyo pa ring isuot. Pero at the same time, user-friendly. Dapat magaan, breathable, at walang discomfort kahit matagal nang gamit.”
Tahimik ang buong meeting room sa loob ng ilang segundo bago sunod-sunod na nagsitanguan ang mga kaharap ko. Kita ko sa mga mata nila na alam nilang seryoso ako—hindi puwedeng half-baked ang lalabas sa proyektong ’to. Hindi ito basta produkto lang. Reputasyon ng kumpanya ang nakataya.
“Clear?” dagdag ko, diretso ang tingin sa bawat isa.
“Yes, Sir,” sabay-sabay nilang sagot.
Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. “Is there anything else na kailangan pang i-discuss?”
Nagkatinginan sila sandali, parang nagse-check kung may nakaligtaan. “Nothing, Sir.”
“Then,” sabi ko, bahagyang tumango, “we’re done here.”
Isa-isang nagsitayuan ang lahat, may ilang nagpaalam, may ilan ding mabilis na lumabas. Alam kong may deadlines na naman silang hahabulin. Naiwan muna ako sa upuan ko, pinagmamasdan ang bakanteng meeting room habang unti-unting bumabalik ang katahimikan.
Paglabas ko ng meeting room at pagliko sa hallway papunta sa opisina ko, saka pa lang nag-vibrate ang phone ko. Napatingin ako sa screen at bahagyang napangiti.
Si Kuya Lemuel.
“Yes, Kuya?” sagot ko habang patuloy sa paglalakad.
“Are you busy?” tanong niya sa kabilang linya.
Napailing ako, may kasamang mahinang tawa. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hindi mo kailangang tanungin ’yan? Kahit busy ako, sasagutin pa rin kita.”
“Ayaw ko lang makaabala,” sagot niya agad. “Alam ko naman kung gaano ka ka-loaded sa kumpanya.”
Walang halong arte, walang paandar. Ganon na talaga siya ever since. Bata pa lang kami, ganito na ang dynamics namin. Sa lahat ng anak ng ama ko sa labas, siya lang ang naging totoo kong kasundo. Walang inggit, walang pilitan, walang hidden agenda.
He’s not greedy. May pride siya, oo—but the good kind. Yung tahimik lang, hindi kailangang ipagsigawan. At siguro, iyon ang dahilan kung bakit kahit magkaiba kami ng mundo, siya pa rin ang una kong pinakikinggan.
Ni minsan sa kabataan namin, hindi ko siya naringgan na nnanghingi ng pera sa ama namin. Hindi kagaya ng iba na akala mo ay may mga patago. Nang makatapos ng pag-aaral ay nagdesisyon na umalis sa poder ng aking ama, hindi niya gusto ang sistema doon.
Naiintindihan ko naman dahil kahit ako ay naipit na rin. Mabuti na lang at naging magaling ako sa negosyo kaya wala kahit sino ang pwedeng makakontrol sa akin.
Habang binubuksan ko ang pinto ng opisina ko, napabuntong-hininga ako. Sa dami ng ingay sa paligid ko—meetings, numbers, expectations—si Kuya Lemuel ang isa sa iilang constant na hindi kailanman naging komplikado.
“At anong meron, Kuya?” tanong ko, sabay upo sa swivel chair ko. “Mukhang hindi lang basta kumusta ang tawag mo.”
“Gusto sana kitang makausap,” sabi niya, bahagyang bumaba ang boses. “Pwede ba akong makapunta sa office mo ngayon?”
Hindi ko na inisip pa. “Of course. Nandito lang ako ngayon. Hintayin kita.”
“Actually,” dagdag niya agad, “nasa ground floor na ako. Paakyat na.”
“Okay. Diretso ka na lang,” sagot ko. Pagkababa ng tawag, hinarap ko ang aking assistant na nakasunod sa akin. “Anjer, please prepare some snacks. Coffee and cheesecake.”
“Yes, Sir,” mabilis niyang tugon.
Ilang minuto pa ang lumipas bago may marahang kumatok. Napatingin ako sa pinto habang nakaupo sa executive sofa na siyang unang makikita pagpumasok sa opisina ko. Ilang hakbang lang ang layo mula sa desk ko, pero sapat para maging mas… personal ang usapan.
Dahan-dahang bumukas ang pinto.
“Good morning,” nakangiti niyang bati nang magtama ang mga mata namin.
“Good morning,” sagot ko, tumayo nang bahagya bilang respeto bago muling umupo. Lumapit siya at naupo sa sofa sa tabi ko, medyo alanganin ang galaw. Hindi tulad ng dati na relaxed lang siya kapag magkasama kami.
“So,” sabi ko, diretso pero kalmado, “bakit gusto mo akong makausap?”
Napakamot siya sa batok, halatang nag-iisip kung paano sisimulan. Kita ko ang hiya at pag-aalinlangan sa mukha niya, isang bihirang ekspresyon para sa lalaking kilala kong onfident.
Bago pa siya makapagsalita, pumasok si Anjer dala ang tray ng kape at cheesecake. Alam kong paborito ni Kuya ’yon. Isang maliit na detalye, pero minsan, sapat para gumaan ang loob ng isang tao.
“Salamat,” sabi ni Kuya, ngumiti kay Anjer.
“Walang anuman, Sir Lemuel,” magalang niyang tugon bago tuluyang lumabas.
“Kain muna tayo, Kuya,” sabi ko, sinadyang gawing casual ang tono. “Saktong-sakto, kakatapos lang ng mahaba naming meeting.”
Nauna na akong dumampot ng tinidor, para hindi na siya mahiya. Sumunod naman siya, at ilang sandali, pa at ang tungkol sa nalalapit niyang kasal ang pinag-usapan namin.
Habang nagkakape kami, saka pa lang siya muling nagsalita.
“Alam mo naman na ngayon pa lang ako nagsisimula ng negosyo,” panimula niya.
Tumango ako, nakatingin lang sa kanya. Hinihintay ko ang kasunod. Kung pera, investment, o suporta ay wala namang problema. Handa akong tumulong kung iyon ang kailangan niya.
Kagaya ng sinabi ko, hindi siya kailanman nanghingi ng kahit na ano noon. Kahit ang negosyo niya ngayon ay hindi ko pa alam ang buong detalye pero ayon na nga sa kanya ay maliit pa lang at nagsisimula.
“Pinag-isipan ko ’to nang mabuti,” dagdag niya, seryoso na ang mukha. “Actually… naisip ko kung dito na lang ako lalapit sa ’yo.”
Huminga siya nang malalim, saka tuluyang binitawan ang dahilan.
“It’s about Alice.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
Natigil ako sa paghawak ng tasa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, at sa loob ng ilang segundo, wala akong marinig kundi ang sariling paghinga ko.
Did he find out something?
Nahuli na ba niya kami?
Alam na ba niya ang tungkol sa akin at sa soon-to-be stepdaughter niya?
Biglang nagsiksikan ang mga tanong sa utak ko, kasabay ng matinding kaba na pilit kong tinatago sa likod ng kalmadong mukha. Nanginginig ang kamay ko, pero agad ko itong itinago sa pamamagitan ng paglalapag ng tasa sa mesa.
Hihilingin ba niya na layuan ko si Alice?
Na itigil ko na ang kung anumang namamagitan sa amin ng dalaga?
Hindi. Hindi puwede.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin iyon—pero isang bagay ang sigurado.
Hindi ko kayang bitawan si Alice sa ngayon.
Hindi pa ako naging ganito ka-adik sa kahit na sinong babae.
Even with Yvonne... Ang natatanging babae na nakarelasyon ko ng totoo.