bc

Dangerous Affair

book_age16+
44
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
escape while being pregnant
single mother
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Zarina Marie Gonzales has always been a daughter who craves attention from her family. But when her sister ran away a month before her wedding, their parents had no choice but to ask Zarina to take her sister’s place. Hoping to finally gain her parents’ attention, she agreed.

The problem? She’s about to marry someone she’s been trying to forget for a long time.

One decision changed her life forever.

Will she go through with it—or walk away?

chap-preview
Free preview
Prologue
⸻ “Ma, kalma lang po… please. Tell me what happened. Bakit po kayo umiiyak?” Hindi ko na napigilan ang kaba sa dibdib ko habang lumalapit kay Mama. I dropped everything the moment Yaya Delia called me—her voice was shaking, and all she said was: “Miss Zarina, kailangan niyo pong umuwi. Si Ma’am po… hindi na tumigil sa pag-iyak mula kanina.” Pagpasok ko sa sala, nakita ko si Mama. Nakaupo sa sofa, balot ng shawl, nanginginig ang kamay habang hawak ang isang panyo. Magulo ang buhok niya, ang make-up halos nabura na sa kakaiyak. Hindi ko siya madalas makita ng ganito—mahina. At basag. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Malamig. Parang walang buhay. “Zarina…” basag na basag ang boses niya. “Umalis ang ate mo.” Napakurap ako. Parang hindi ko agad na-process. “Ate Zoei? Umalis po? San ho siya nagpunta?” Napahikbi si Mama. Halos hindi makapagsalita. “Tumakas siya, anak. Umalis siya… tinakasan niya ang kasal.” Parang may pumunit sa loob ko. Si Ate Zoei. Ang perpektong anak. The golden girl. The pride of our family. Siya ang laging laman ng mga kwento ng tagumpay sa mga dinner party. Siya ang kinukumpara sa akin—palaging mas maganda, mas masipag, mas karapat-dapat. At ngayon… siya ang tumakas? “Bakit? Bakit ngayon? Hindi ba siya… masaya?” bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko alam kung concern ba ‘yon o pagtataka. Tiningnan ko si Mama. Punit ang mukha niya sa lungkot. Pero… bakit parang may bahagi sa akin na nananahimik? A part of me whispered: “If I disappeared, would she cry this much?” Napangiti ako. Mapait. Walang tunog. Hindi ko sinasadya, pero lumabas din sa labi ko: “Kung ako kaya ang nawala… hahanapin niyo rin ba ako ng ganito, Ma?” Napatingin siya sa akin. Nalaglag ang panyo sa kandungan niya. Pero walang sagot. Hindi niya alam. At doon ko lalong napatunayan ang sagot. ⸻ “Baka po… baka gusto lang munang magpahinga ni Ate bago ikasal. Baka nagbakasyon lang po siya, Ma. You know… enjoying her last days as a single woman.” Sinubukan kong ngumiti. Pero kahit ako, hindi ko na mapaniwala ang sarili ko. “Baka… baka gusto lang niya ng break. Baka nabigla lang po siya.” Tama ba ‘tong sinasabi ko? O baka gusto ko lang ng dahilan para hindi isipin na wasak na ang mundong ito? Maya-maya, iniabot ni Mama ang isang sulat. Sulat kamay. Kilalang-kilala ko ang penmanship. “Mama, Papa. I’m sorry. I am so sorry to disappoint you. Please, don’t look for me. About the wedding—it will never happen. I’m sorry. – Zoei” Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ko ‘yon. Parang nahulog ako sa isang bangungot. Parang kinuyom ng malamig na hangin ang dibdib ko. Bakit, Ate? Anong nangyari? “Hindi natin pwedeng kanselahin ang kasalang ito,” mahinang sabi ni Mama. “Ito na lang ang paraan para mailigtas ang kumpanya natin. Alam mo kung gaano kahalaga ito sa Papa mo.” Saglit akong napatigil. Hindi. Hindi… Ma. Wag. “Don’t tell me… ako ang papalit kay Ate sa kasal?” Tahimik. Walang sagot. Pero sapat na ang katahimikang ‘yon para marinig ko ang sagot na ayaw kong marinig. Ako? Ako ang itutulak niyong isabak, para lang hindi malugi ang kumpanya? Para lang hindi mapahiya? “Ma, baka naman pwede pa nating hanapin si Ate. Hindi pa huli ang lahat, di ba? May oras pa—pwede pa siyang bumalik.” “Hindi mo kilala ang ate mo gaya ng pagkakakilala ko sa kanya, anak.” Tumitig siya sa akin. “Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. She’s strong-willed. She won’t come back.” Tumayo ako. Hindi ako mapakali. Paikot-ikot ako sa sala. Pilit inintindi ang mga nangyayari. “Pero Ma… ilang buwan niyang pinaghandaan ang kasal na ‘to. Siya ang nag-asikaso ng venue, ng bulaklak, ng pagkain. She was happy! I saw her!” “Hindi ko alam kung anong nangyari…” Sobrang sakit ng tono ni Mama. “Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang mag-isip ng ganito…” Tumahimik siya saglit. Napahawak sa dibdib. “Siguro… sobrang naging abala kami sa kasal… nakalimutan na naming tanungin kung masaya ba talaga siya.” At doon ako natigilan. Masaya ba talaga siya? O lahat lang ng ngiti niya ay para patunayan na kaya niyang maging “perfect” para sa inyo? ⸻ Biglang bumukas ang pinto. “What’s happening here?” Nagulat kami ni Mama. Si Papa. Matikas ang postura. Suot ang barong niya na tila palaging bagong plantsa. Parang wala sa lugar ang emosyon sa mukha niya—parang hindi niya kaya ang weakness. “Matilda? Why are you crying?” Tahimik kami. Humigpit ang hawak ko sa palda ko. Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Dahil alam kong… para sa kanya, kahinaan lang ako. “Zoei—” “What about Zoei?” putol niya agad. Please, Ma… wag mo akong ipauna. Pero wala na. Nakatutok na ang mga mata niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Tumindig ako, kahit nangangatog. “Pa… umalis po si Ate. Tumakas siya.” Sandaling katahimikan. At biglang… BANG! Tunog ng kamaong dumadagundong sa sandalan ng sofa. “WHAT?!” Sumabog ang boses niya. “Kailan ‘to nangyari?! Bakit ngayon niyo lang sinasabi sa akin?!” “I was going to tell you—” putol ni Mama. “Anong sasabihin ko sa mga Sandejo?! Ha?! Paano na ang kasunduan natin?!” At doon siya humarap sa akin. Diretso. Walang emosyon. “You have to do something about it, Zarina.” “W-what do you mean po…?” Pabulong, nanginginig. “You’ll marry Theodore.” And just like that, my world shattered. “Pero Pa, hindi ako si Ate. Hindi ako ang bride. You’re going to lie to them?” “We’ll fix the details. Huwag mong subukang tumakas din, Zarina.” At saka siya tumalikod at lumabas ng sala. Tumitig ako kay Mama. Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong magsabi ng “ayoko.” Pero ang nakuha ko lang… ay tango. Isang mahinang tango ng pagsang-ayon. So that’s it? Wala man lang tanong kung kaya ko ba? Kung gusto —— Sa kwarto ko, nakahiga ako. Tinitingnan ang chandelier na ilang taon ko nang tinititigan kapag malungkot ako. “Hindi ako ang first choice. Pero ngayon, ako na lang ang natitirang option. How ironic.” “Simula bata ako… wala akong sariling boses. Laging si Ate. Laging si Zoei. Ngayon, ako naman—pero hindi dahil gusto nila ako. Kundi dahil wala na silang iba.” Ang sakit pala maging second choice. Pero mas masakit palang piliin… dahil wala nang natira. ⸻ My tears fell silently, one after another, like the slow unraveling of something fragile inside me. And then—nothing. Just…numbness. Parang wala nang saysay ang bawat t***k ng puso ko. Hindi dahil wala akong nararamdaman, kundi dahil sobra na. Sobra nang sakit, sobra nang pagod. Simula pagkabata, ako na ang palaging sumusunod. Wala akong sariling boses. Lahat ng desisyon, ipinipilit sa akin. Lahat ng kilos, kailangan aprubado. Dalawampu’t pitong taong gulang na ako—pero bakit pakiramdam ko, wala pa ring nagbago? “Miss Zarina?” mahina, halos paos na tawag ni Ate Dolor mula sa labas ng pinto. Napabalikwas ako, tinapik ang pisngi ko para maalis ang bakas ng luha. Napatingin ako sa orasan—alas nuebe ng gabi. Nakalubog na pala ako sa lungkot. Sa kawalan. “Ate, bukas na po yan. Pasok po kayo.” May dala siyang pagkain. Tahimik niya itong inilapag sa maliit na mesa sa tabi ng pintuan. “Malalim na ang gabi, Miss. Hindi pa po kayo kumakain. Pinatawag po kayo ng mommy niyo kanina, pero tulog po kayo kaya hinayaan muna nila kayo.” “Pasensya na po.” “Kumain na po kayo. Huwag niyo pong hayaan na pati ang katawan niyo ay sumuko.” Napatingin ako kay Ate Dolor. Siya lang ang tunay na may malasakit sa akin sa buong bahay na ito. Hindi man kami magkadugo, pero siya lang ang kayang makaramdam kung kailan ako basag, kung kailan ako nauubos. Tumayo ako. Nilapitan siya. Marahan ko siyang niyakap. “Ate… thank you.” Haplos lang ang sagot niya, pero sapat na iyon para humugot ako ng lakas. “Alam kong hindi ka okay. Kaya hindi na kita tatanungin. Pero gusto kong malaman mong nakikita ko ang tapang mo—sa kabila ng lahat ng sakit, pilit ka pa ring lumalaban.” “Sa tingin niyo po… bakit po umalis ang ate?” Ang tanong na matagal nang bumabagabag sa akin. Si Zoei—ang perpektong anak. Ang paborito. Ang laging sinusunod. At ngayon, siya ang unang naglayas? “Wala ako sa lugar para makialam. Pero sa tingin mo ba aalis siya nang walang dahilan?” Napatingin ako sa kanya, walang emosyon ang mukha ko—dahil wala nang natira. “Ano pong ibig niyong sabihin?” “Sabi mo nga, siya ang laging sinusunod. Laging unang pinipili. Pero ngayon lang siya nagrebelde. Hindi ba’t ibig sabihin niyon… sobra na rin siya?” “Pero nakita ko siyang masaya habang pinaghahandaan ang kasal niya. I saw her glow.” “Mas madaling ngumiti sa harap ng camera. Mas madaling magsaya sa paningin ng iba. Pero ang totoo, hindi mo kailanman malalaman ang bigat ng puso ng isang taong sanay magtago.” Pagkaalis ni Ate Dolor, nanatili akong tulala. Hindi kami malapit ng ate ko. Magkapatid kami pero para kaming estranghero. Hindi ko alam kung galit siya sa akin, o talagang hindi niya ako kailanman sinubukang kilalanin. Siguro kasi, ako lang ang ‘pangalawang option’. Pagkatapos kong kumain, nagbihis ako—hindi para matulog, kundi para tumakas. Tumakas kahit saglit. I texted Atasha. ⸻ “Ano na naman ’to? Anong drama na naman ’to?” bungad niya habang sinasalubong ako. She was fierce and stunning, as always. Her red lips, short pixie hair, her signature confidence—lahat iyon, tila hindi naaapektuhan ng kahit anong bagyo. Ako? A wreck in disguise. Suot ang black tube top at high-waisted shorts, nagkunwaring matatag. Sumakay ako sa kanyang white Suzuki Jimny. Hindi ko agad nagsalita. “Mamaya na. The Pub muna tayo.” Pagkarating namin sa club, malalim na ang gabi. Sumilong kami sa isang sulok, malayo sa mata ng mga tao. “Anong gusto mo?” tanong niya. “Red wine.” Napakunot siya ng noo. “Red wine lang? Sa bar pa talaga?” Hindi na ako sumagot. Siya na ang nag-order—black label. Malakas. “Now, spill it. What’s going on?” Huminga ako nang malalim. Pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “I’m getting married.” Nabulunan siya sa iniinom. “WHAT?” “Zoei… ran away. Ako ang kailangang pumalit. Kailangan ko siyang palitan sa kasal.” “Putangina. Zarina. What the hell—” “Lower your voice, please.” Tinungga ko ang alak. Mapait. Sumakit ang lalamunan ko pero mas masakit ang totoo. “Wala akong choice, Tash. This is my parents’ request.” “Choice? Zarina, palagi kang may choice. Pinili mo lang ang mahirap.” I smiled bitterly. “This is my chance. Sa wakas, ako ang pinili.” “Pinili? O naiwan ka nalang bilang tanging option?” Tama siya. She’s brutally right. ⸻ Later that night, I stood up—hindi para sumayaw, kundi para lumimot. Nalulunod sa epekto ng alak. Tumalon sa gitna ng dance floor. Pumikit. Sumayaw. Umikot. And then, may humawak sa bewang ko. Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Napatigil ako. Binalingan siya at itinulak. “Bastos.” Humakbang ako palayo pero hinablot niya ang kamay ko. “Bastos? Eh sino bang nakikipagsayaw sa harapan ko? Malinis ka kunwari pero malandi ka rin.” Pak. Sinampal ko siya. Malakas. Hindi lang dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa pagkapahiya at galit sa sarili. He’s about to hit me back—pero isang malakas na suntok ang humila sa kanya palayo. May lalaki. Di ko pa siya kita—pero ramdam ko ang galit. Isa pang suntok. Tumigil ang mundo. “Sir, tama na po—” At paglingon niya— Solomon. Parang biglang umikot ang mundo. Hindi ako makahinga. Siya. Siya na iniwan ako pitong taon na ang nakalipas. Siya na nagwasak sa puso ko. Hinila niya ako palabas ng bar. Hindi ako makapalag. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala. Pagdating sa harap ng kanyang kotse, halos mauntog ako sa lakas ng pagtulak niya. “What the hell are you doing?” galit, malamig, punong-puno ng iritasyon ang boses niya. Ngumiti ako—isang mapait na ngiti na kaytagal kong inipon. “Shouldn’t I be the one asking that? What are you doing here? Bakit ka bumalik?” Wala na ang tapang ko. Ang boses ko, halos hindi ko makilala. Nanginginig ako. “I have my reason.” “Well, whatever it is, it’s none of my business anymore. Just like how I was none of yours back then. Salamat sa ginawa mo kanina, but from now on… let’s pretend we never knew each other.” Bago ko pa matapos ang paglayo— dumilim ang paningin ko. At sa huling segundo bago ako mawalan ng ulirat, boses niya ang huling narinig ko— “Zarina…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
14.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook