"Congratulations, couz', kinabahan ako dun, akala ko'y aabutan mo na 'ko," masayang bati ni Zanya kay Stacey. Katatapos lang ng National Drag Racing Competition North Series na ginanap sa Subic. Isang irap ang ibinigay niya sa pinsan saka hinubad ang makapal na gloves para makahinga ang mga kamay niya. Mainit ang panahon dahil summer. "Ikaw pa ba ang mauungusan ko? You're exaggerating!" naiinis niyang wika niya kay Zanya. Umupo siya sa baitang ng stadium at tumingin sa kawalan. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Zanya. "Kanina ka pa tila wala sa sarili. Muntik pa 'ko matalo dahil sa 'yo. Muntik ka nang mawalan ng dereksyon kanina gustong sumabay sa 'yo at alalayan ka." Totoo ang sinabi ng pinsan. Kanina'y sandaling nawalan siya ng kontrol sa makina dahilan par

