"Magpahinga ka na rin dahil ilang gabi ka nang walang tulog," suhestyon ni Caroline sa kanya. Kalalabas lang ng ospital si Athena matapos manganib ang buhay nito dahil sa dengue at ngayo'y lalo pang pumayat ang anak dahil sa ilang araw na pagka-confine nito sa ospital. "I almost lost her," halos pabulong niyang wika habang nakatingin ito sa anak na masarap na ang tulog. "Hindi siya pababayaan ng Diyos. Ipanatag mo na ang loob mo dahil ligtas na siya. You need rest dahil sa 'yo lang siya kumukuha ng lakas." "Salamat sa lahat ng tulong mo sa aming mag-ama. Kalahati ng mga suliranin ko ang nawawala kapag nandiyan ka. Stacey could've done it since she's the real mother. Pero ni anino niya hindi man lang dumalaw kay Athena." Pinunasan niya ng kamay ang nagbabantang mga luha. "Ano pa at nagi

