Nagulat si Marcus nang ipatawag siya nang maaga ni Zane Albano sa komedor kinabukasan. Katatapos lang niyang humigop ng kape nang puntahan siya ng katulong. "Good morning, sir," bati niya kay Zane at tumayo lang sa harap habang hinihintay ang iuutos nito. "Good morming, Marcus. May lakad si Stacey mamaya, she's going out with her friends. Gusto kong samahan mo siya." "Anong oras ho kami aalis?" "One or two o'clock. You can ask Stacey the time," sagot ni Zane. Tumango siya bago nagpaalam pero bago pa siya tumalikod ay muli itong nagsalita. "Babantayan mo si Stacey sa bawat minuto na wala kayo dito sa bahay, Marcus. I am depending on you that you will keep her safe all the time." "Rest assured, sir," magalang niyang sagot. "Hindi ko gustong i-deprive si Stacey na magkaroon ng norm

