"Hindi ko gusto na ginawa mong tagahatid-sundo si Marcus kay Stacey, Zane," wika ni Selena sa kanya. Isang linggo nang mahigit nang utusan niya si Marcus na sunduin araw-araw sa school si Stacey dahil sa sunod-sunod na problema sa kumpanya na madalas ay kailangan niyang inspeksiyunin ang mga eroplano. Sa umaga ay ihahatid muna nito si Stacey sa school bago siya ihatid nito sa opisina. Malaki ang tiwala niya kay Marcus na hindi nito pababayaan ang anak niya. "Marcus is a responsible young man, sweetheart. Stacey is safe with him," pagtatanggol niya. Sa loob ng dalawang taong paninilbihan ni Tonyo at Marcus sa kanilang pamilya ay nakuha ng mag-ama ang tiwala niya sa mga ito. "Hindi mo ba napapansin ang mga lihim na sulyap ni Marcus sa anak natin? Stacey is a beautiful woman, and rich too.

