Gustong habulin ni Marcus si Stacey nang makita niya itong halos patakbong umakyat sa silid. He cursed himself for causing her pain – kung sakit nga ang nakita niyang gumuhit sa mata nito kanina. Katatapos lang mawala ng pader sa pagitan nila pero tila mas malaking pader ang susunod na kailangan niyang tibagin. Tumingin siya kay Caroline at nakita naman niya ang takot sa mga mata nito dahil sa galit ng ama nito. "Please, Mr. Benetiz, pag-usapan natin 'to ng maayos. I will talk to Caroline and we'll settle the issues right away." "Hihintayin ko kayo ng ama mo bukas sa bahay, Marcus. At hindi ko hahayaang lumabas na bastardo ang apo ko!" Napamasahe siya sa batok sa bigat na problemang kinakaharap. Gusto niyang makausap si Caroline nang sarilinan pero hinila na ito ng ama para umalis sa ba

