Pinagmamasdan ni Stacey si Marcus at Athena na nanonood ng tv sa sala. Naka-short at puting t-shirt na lang si Marcus at hinihintay na bumaba nang kaunti ang sikat ng araw para hindi mangitim at ma-sunburn si Athena. Masaya siya na wala na ang galit sa kanya ni Marcus at wala na ang pader sa pagitan nilang dalawa. Gusto niyang ipaglaban ang karapatan niya laban kay Caroline. Caroline must be his present now, pero hindi niya babalewalain ang nangyari sa kanila ni Marcus. Kung kailangang gamitin niya iyon laban kay Caroline ay gagawin niya. At kung ipangangalandakan nito na may anak ito kay Marcus ay ganun din naman siya. Nauna siyang nagkaroon ng anak sa lalaking lihim niya ngayong minamahal. Bilog nga talaga ang mundo. Ang dating nagmamakaawa sa kaniya dati para mabigyan nya ng pansin, n

