Maagang dumating si Marcus sa parking lot dahil ang sabi ni Zane Albano ay hanggang alas tres lang ang klase ni Stacey. Wala pang sampung minuto siyang naghihintay ay dumating naman ang dalagita kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na laging kasama nito palagi. "Hey, Marcus!" Maluwag ang pagkakangiti ni Viena na kung bakit siya kinabahan ay hindi niya masagot. "Hi," tipid niyang sagot saka tumingin kay Stacey. "Snack muna tayo sa tapat," wikang muli ni Viena. "My treat." "Nagpaalam ka ba sa Daddy mo?" tanong niya kay Stacey. "Yes, don't worry," pormal nitong sagot. Nang lumakad ang magkakaibigan patawid ay nakasunod lang siya sa mga ito. Sa isang fastfood chain nagtungo ang mga ito, at tulad ng dati, naglagay siya ng distansya sa sarili. Pero nang makaorder ang mga ito ay tinawag

