Chapter 1

1256 Words
Hyacinth Myrtle Monroe’s Point of View I hate this! Lahat ng ipapasa kong manuscript, ipinapa-revise palagi ng editor ko. I tried everything I could, but for some reason, hindi umaayon sa akin ang tadhana. It bothers me so much, especially since I invested my time in creating this masterpiece, but it ended up getting rejected. “Kulang ito sa emotion, Hyacinth,” saad ng aking editor. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang pinapanood siyang markahan ang mga salita sa manuscript ko. It hurts. Sobrang sakit makita na may mga sulat ang manuscript ko pero wala naman akong magawa dahil aminado akong may kulang talaga. “I can’t feel it, Hyacinth. Dapat unang paragraph pa lang, ramdam ko na,” dagdag pa niya. Binuklat niya ang manuscript kong pinagpaguran ko nang ilang linggo pero rejection lang ang matatanggap ko. Ang hirap kasing magsulat kapag hindi ko maramdaman ang plot. I tried. Sinubukan kong intindihin at ilagay ang sarili ko sa character pero bakit kulang pa rin? Saan ba ako nagkamali? Sinubukan ko namang sundin ang mga sinabi niya sa akin. Nakinig ako sa music. Sinubukan kong i-imagine na ako mismo ang character doon pero hindi ko pa rin magawa. Napahilamos na lamang ako ng aking mukha nang makalabas ako sa office. Hindi ko alam kung paano ko mararamdaman ang emosyon na sinasabi ng editor ko. Simpleng romance lang naman pero bakit kulang pa rin? Ilang beses akong napuyat para lamang sa manuscript na ito pero wala pa rin pa lang silbi. “What should I do?” bulong ko sa hangin nang makalabas ako sa company. Uuwi na lang siguro muna ako o mamamasyal para kahit papaano ay makahinga ako nang maayos. But then, I remember something. Malapit lang pala ang gubat dito. Puwede akong mag-camping. Kailangan ko ng bagong environment. Baka isa iyon sa paraan para maramdaman ko ang nararamdaman ng character. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Nang makarating ako sa aking condo, mabilis akong nag-empake. Tatlong bag ang binuhat ko. May mga pagkain na rin akong dinala at mga gamit na paglulutuan. Dala ko na rin ang mga importanteng bagay pero natigilan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kahit hindi pa man din ako nakakalabas ng condo. Mabilis kong ibinaba lahat ng gamit ko at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Saktong si Mommy naman pala. “Hyacinth, when are you planning to go home?” mariing tanong sa akin ni Mommy. “Mom, I told you, right? Ayaw kong mag-manage ng company,” paalala ko. “Kaya hindi mo ako maaasahan na umuwi sa bahay.” “Ikaw lang ang maaasahan namin ng daddy mo. Hindi pa ba malinaw sa iyo, Hyacinth? Your brother don’t want to—” “Ayaw ko rin po,” putol ko sa kaniyang sasabihin nang isingit na naman niya si kuya. “Bakit ba kailangan ako? Hindi naman ako panganay, mom. Alam mong kay kuya dapat napupunta ang mga business.” Lumayas ako sa bahay namin dahil hindi ko talaga kayang tiisin ang lahat. Ang pressure at ang pagko-control nila sa akin. Multimillionaire ang pamilya ko pero I chose not to follow the path that they created. I have my own. Ayaw kong umasa sa pangalan nila. Kaya lumayas ako at pinili ang gusto ko, ang pagsusulat. Nakapagtapos na rin naman ako ng college. As usual, business din lang ang course ko dahil akala ng mga magulang ko ay susundin ko sila. Ngunit ang puso ko ay nasa pagsusulat. Nagtalo pa kami saglit ni mommy hanggang sa siya na mismo ang pumatay sa tawag. Hindi kasi nila mapilit si kuya dahil may sarili siyang gusto kagaya ko. Siguro, hinahayaan muna nilang mag-enjoy ang kuya ko bago nila pilitin pero sa akin naman mapupunta ang responsibilidad niya at iyon ang ayaw ko. Umigting ang aking panga at ipinilig ang aking ulo para pakalmahin ang aking sarili. Kanina pa kasi ako tulala pero hanggang ngayon ay hindi matanggal sa isip ko ang pamimilit niya. Mabuti na lang talaga, nakaya kong tanggalin sa isip ko ang nangyari hanggang sa makarating ako sa campsite. Naitayo ko na rin ang tent at ready na ako sa pag-iisip kung ano ang mga bagay na puwede kong pagtuunan. Mas maganda kasing lumayo ako sa magulong buhay para makapag-isip nang maayos. May signal din naman dito at may dala rin akong power bank. Para kung sakali na kinakailangan kong gamitin ang cellphone ko upang pakinggan ang revision sa manuscript ko. Habang nagluluto, nakatitig lamang ako sa manuscript. Hinahanapan ko kasi emosyon ang kuwento pero hindi ko talaga mahanap. “Ang sakit. Ano pa ang kulang? Mahal na mahal kita,” basa ko sa linyang nasa manuscript ko. Sinubukan ko ring ilagay ang sarili ko sa main character pero wala talaga akong maramdaman. Marahil ay hindi ko pa nararamdaman kung paano magmahal. Kaya siguro ganito—walang emosyon. “f**k it! Bakit ba ang hirap?” naiinis na bulong ko at napahilamos na lamang. Ilang minuto rin akong nasa posisyon na iyon hanggang sa tuluyan kong ituon ang aking pansin sa pagluluto. Inilibot ko rin ang aking mga mata sa paligid ngunit puro dilim na ang nakikita ko maliban sa isang bagay na nakakuha ng aking pansin. Hapon na kasi nang makarating ako rito sa campsite. Wala ring tao maliban sa akin pero may mga nakasabayan ako kanina na papunta rito. Siguro lang ay hindi sila pumuwesto rito sa napili ko. Malawak rin kasi ang campsite. Halos kahalati rin ng bundok kung tutuusin. Kaya sulit na sulit kung sakaling marami ang magpupunta rito lalo na kapag busy days. Sa may hindi kalayuan kasi, may nagliliwanag—sa gitna mismo ng sapa. Honestly, ang weird dahil wala namang ilaw roon maliban sa malaking buwan. “What was that?” mahina ngunit nalilitong tanong ko sa hangin. Kaya naman kahit labag sa kalooban ko, mabilis akong nagtungo roon. Hindi ko rin malaman kung bakit kumakalabog ang puso ko habang papalapit ako sa sapa. Tinititigan ko rin ang malaking ilaw na nagmumula roon hanggang sa unti-unting lumapit sa gilid na kung saan ay nasa harapan ko na. Kulay puti na may halong pula ang ilaw. Medyo masakit sa mata pero parang may nagtutulak sa akin na mas lapitan pa ito at silipin. Hindi ko na rin napansin ang paligid pero ramdam ko ang malamig na hangin na niyayakap ang aking maliit na katawan. “Weird,” sambit ko habang patuloy na sinisilip ang isang ilaw. Nakakaramdam din ako ng lamig sa aking palad pero kalaunan, natigilan ako. Pumintig kasi ang aking sintido at parang mabibiyak ito sa sobrang sakit. Ang panginginig ng aking mga kamay. Ang pagbilis ng kabog ng aking puso habang ako ay pinagpapawisan nang malamig. “s**t!” giit ko habang nanginginig ang aking boses. “What the hell!” Balak ko na sanang lumayo sa ilaw na iyon nang bigla ko na lamang maramdaman ang isang puwersa na nagtulak sa aking likod. Sinubukan kong ayusin ang aking pagkakatayo pero kaagad akong nawalan nang balanse at basta na lamang nahulog sa napakalaking liwanag. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata at igalaw ang pero hindi ko magawa dahil tila may pumipigil sa akin sa paggalaw. Ang tanging nakikita ko rin lang ngayon ay kulay puti na may halong pula. Ibinuka ko ang aking bibig para sana humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses sa aking bibig. 'Please. Help me.' Ang tanging gusto ko lang naman ay ang ayusin ang manuscript ko. Ngunit mukhang iba ang binabalak ng tadhana sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD