Chapter 28

1236 Words

“Sundan mo na, Hyacinth,” utos sa akin ng mahal na hari nang hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan. “Alam kong hindi niya rin inaasahan ang sasabihin mo, at halatang umaasa rin siya na hindi ka madadamay.” Kahit nagulat ako sa nangyari, naiintindihan ko naman. Valid naman ang rason ni Louvent, pero hindi naman dapat ganoon na lang palagi. Sobrang sakit, pero wala akong magawa kung hindi ay intindihin siya. May trauma kasi si Louvent. Alam kong takot siya na mangyari ulit ’yon, pero malakas ang kutob ko na maayos ang lahat. Hindi na mangyayari ang kinatatakutan niya, at sigurado ako roon. “Humihingi ako ng tawad sa nangyari, mahal na hari,” bulong ko, at yumuko pa nang kaunti. Ramdam ko ang mga mata ng mga kapatid ni Louvent, pero pinanatili ko pa ring kalmado ang aking sarili. Kahit nak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD