Hindi siya makapagsalita sa aking pahayag. Halata ang gulat sa kaniyang mukha, at hindi man lang niya nagawang itago ang bagay na ‘yon. Umiling na lamang ako, at hindi nagpahalata masiyado sa kaniya. Iwinasiwas ko pa nang pasimple ang aking kamay upang hanapin ang awra na kapareha niya, ngunit wala akong makita. Tanging siya lamang ang mayroon nang ganoong awra. Umismid naman ako, at humalukipkip sa kaniyang harapan. Gusto ko siyang parusahan, pero sa tingin ko ay ang Diyosa ng Impiyerno na ang bahala sa kaniya, at hindi ako. Ayos lang naman sa akin na parusahan siya, eh. Ngunit mas makabubuti kung ibang Diyosa na ang gumawa, dahil paniguradong maaawa lamang ako sa kaniya kung sakali. Napansin ko ang pagbabago ng kaniyang mga mata. Ang kayumangging kulay ay unti-unting naging itim, at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


