CHAPTER 16 - DEJA VU
“Althea!” may pagbabanta sa boses ni mama. Gusto niya na tumigil na akong gumawa ng eksena.
Nilingon ko si mama at bumaling ulit kay Janella. “Totoo naman, eh! Ano pa ang magagawa ng sorry mo!”
Hawak pa rin ako sa braso ni Marco at pilit na inaawat. Tumayo naman si tito Claudio sa harapan ni Janella.
“Look, Thea. Walang kasalanan ang anak ko sa nangyari kay Danilo. Sadyang malalakas lang ang kalaban niya kaya siya namatay. Huwag mo naman sisihin ang anak ko, sa lahat ng nandito dapat ikaw pa ang umintindi dahil matalik ka niyang kaibigan pero sa ginagawa mo ngayon pinapahamak mo lang siya.”
“So kasalanan ko pa pala ngayon, tito?! Hindi ba at kaibigan mo si papa? Bakit mo siya pinabayaan?! Sa halip na tulungan mo siya, eh, ano? Nagtago ka lang siguro!”
“Enough!” Mom came forward and slapped me. “Sumosobra ka na, Thea! Wala kang karapatan na pagsalitaan ang tito Claudio mo ng ganyan!” giit ni mama. “Hindi kita pinalaking walang respeto!”
I’m crying hard. All I want is to give justice for my father pero bakit parang ako na ngayon ang nagiging masama? Pinunasan ko ang aking luha at tinanggal ang kamay ni Marco sa pagkakahawak sa braso ko. Tinungo ko ang bahay namin at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko ang bag ko at nag impake.
“What are you doing? You’re leaving?” sumunod pala sa akin si Marco.
“I need to get out of here. Hindi na maaayos ‘to. Doon na muna ako sayo tutuloy.” seryoso kong pahayag sa kanya at lumabas na ng silid.
Naroon pa rin sila mama, umiling siya ng makita akong may dalang bag. Janella tried to approach me again but Tito Claudio stopped her.
**
Inaayos ko ang mga damit ko sa maliit na kabinet samantalang nasa sulok lang si Marco, nakahalukipkip at binabantayan ang bawat galaw ko.
Huminga ako ng malalim. “Can you tell me what’s on your mind? Hindi ako sanay na tahimik ka.”
“Yong ginawa mo kanina, I don’t think it is the appropriate thing to do. Hindi ka muna nag-isip ng tama, nagpadalos-dalos ka.”
Huminto ako sa pag-aayos and faced him. “So kinakampihan mo na sila kaysa sa akin? Great! Just great! All I thought is you are on my side but I guess I was wrong?” sarkastikong pahayag ko.
“Thea, hindi ganon. Kakampi mo ako, mahal kita. But I’m not going to tolerate you with this. Tama yung mama mo, sumobra ka na kanina.”
Naiirita na ako sa mga pinagsasabi niya. “Wow! Character development yan? Nasaan na yung Marco na nagsabing ‘tutulungan kita sa paghihiganti sa papa mo’? Nawala na ba yon?”
Napahawak siya sa sintido. “You are taking it all wrong. What if magkagulo na naman? Sinabi ko na sayo kanina na may mga Strigoi na nagmamasid sa paligid pero hindi mo pa rin pinigilan yang bibig mo.” He deeply sighs. Napayuko ako.
“I’ll give you some space to think.” Tumayo siya at lumabas sa kubo. Pagkasara ng pinto ay tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.
Mag-isa ako buong araw, hinihintay ko si Marco na bumalik pero walang bahid ng presensya niya sa paligid hanggang sa sumapit na lang ang ang gabi. It felt heavy on my chest. Napagpasyahan kong matulog ngunit mayamaya lang ay may naramdaman akong Strigoi sa paligid. Dahan dahan akong tumayo at pinuntahan ang pintuan.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na may sumipa sa akin at kinaladkad ako papunta sa labas. Sinuntok ako sa tagiliran at hinampas ako sa mukha, naupo ako sa lupa.
"So you're alone?" maarteng tanong ni Mara. Sa likuran niya ay ang limang Strigoi na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
I stand up and spit the blood from my mouth. "Hindi ka naman siguro bulag at lalong hindi ka bobong magbilang. Malamang sa nakikita mo ngayon, mag-isa lang ako."
Her eyes went from light to intense red. Isang kisap lang ng mata ko ay nakalapit na siya, hinawakan niya ang leeg ko at inangat ako. Parang nangyari na 'to, a feeling of deja vu.. Si Mara at yung mga kasama niya. Oh, please don't let that bad dream happen in reality.
“Lakas mo rin mambara, no? Kaya mo na ako?”
I smirked. “Bakit natatakot ka bang matalo kita?”
Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa leeg ko. Nahihirapan na akong huminga.
“A-ano bang kailangan mo? Ginagambala mo ang pagpapahinga ko.”
“I am here to inform you na hindi ka na babalikan ni Marco. May binigay na misyon sa kanya si Arminda at matatagalan pa siya doon.” Ngumisi siya. It can’t be! Imposibleng iiwan akong mag-isa rito ni Marco.
“Sa tingin mo maniniwala ako? Galingan mo pa ang paggawa ng kwento.”
“b***h!”
Yon lang ang sinabi niya at itinapon ako sa may puno. Hindi pa ako tuluyang bumabagsak sa lupa ay hinawakan niya ang binti ko. Napasigaw ako sa sakit dahil bumaon sa laman ang kanyang matutulis na kuko at inihagis ako pabalik sa isang puno na katabi ng kubo. Bumagsak ako sa bunton ng mga kahoy na naroon. Hirap na akong makatayo dahil sa kagagawan ng demonyitang ito.
“Ano? Nasaan na ang angas mo?” Nakita kong nag sitawa ang mga kasama niya. Tumingkayad siya. She held my chin and let me face her. “Wala ka pala, eh! Ang mas maganda sayong gawin ay patayin.”
Pinakita niya ang mga pangil niya at naghanda ng kagatin ako ngunit bigla siyang nawala sa harap ko. I was confused at first but when I saw Dranreb and Marco fighting against Mara and company that’s when I concluded they were here to help.
Tumakbo papunta sa akin si Emily. “s**t! Your legs!”
She was about to lend a hand on me when I saw Mara moving closer to us and ready to attack.
“Emily, look out!” I shouted and attempted to cover her.
But what happened next has stunned me. Mara’s body had fallen flat onto the ground and Marco was holding her head dripping with blood.
To be continued…