Chapter 17

1035 Words
CHAPTER 17 - ALL IN THIS TOGETHER I was taken aback. Seeing Marco's face right now, he is so damn serious. His eyes are so red and clenched fist. "A-are you alright?" Nagawa pa akong kumustahin ni Emily kahit pareho kaming nagulat sa nasaksihan kanina. "I'm o-okay." Tatayo na sana ako ngunit hindi ko na maramdaman ang isang binti ko dahil sa ginawang sugat ni Mara. Dahil siguro sa pag-ubos ng lakas ko at hindi pa pag-inom ng dugo ay 'di na naghihilom ang sugat ko. "You're not." tipid na sabi ni Emily. Napansin namin ang paghagis ni Marco sa ulo ni Mara. Umupo siya sa side ko, hindi pa rin bumabalik sa normal ang kulay ng mata niya. For the first time after a while, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng takot ng makita siya. Tinangka niya akong buhatin. "Wait, Marco! Y-you're still —" "Don't worry, Emily. I can control my thirst." Hindi ako makatingin sa kanya ngunit hinayaan ko na lang siya na buhatin ako. When we entered the small house, he lay me down on a small blanket at humiga na ako. "A-ako na ang bahala, Marco. You can rest for a while." saad ni Emily kahit na may bahid din na takot sa kanyang mga mata. Tumango siya at lumabas na. Agad naman akong pina-inom ng dugo ni Emily at umupo sa paanan ko. Ilang sandali lang ay unti-unti ng gumagaling ang sugat ko sa binti. "It's my first time seeing someone beheaded in front of me, at si Mara pa. And knowing Strigois, in general they become evil and murderous, I commend your man for developing a greater self control." Tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. "You're aware that he can hear you right?" "Yah, bakit? Wala naman masama sa sinabi ko, totoo naman lahat." Napabuga ako ng hangin. "Can I take a nap?" "Sure. If you want something, nasa labas kami." I nodded. Tumayo na siya at lumabas na rin, narinig ko pang tinanong siya ni Dranreb kung kumusta na ako. ** 'Di ko alam kung ilang oras ako natulog ngunit pagkagising ko ay maliwanag na sa labas. Umupo ako at tinignan ko ang paligid at napukaw ng atensyon ko ang isang lalaking nakapikit, nakahalukipkip at nakayuko. That scene that happen last night flashes again, umiling na lang ako. I checked my legs and it healed, I can already move it. I felt relieved. "I'm sorry." Inangat ko ang aking ulo para matignan siya. He was looking at me, his eyes were back to normal red color and he didn't look angry anymore. I guess he is back? "Sorry? For what?" "For leaving you alone, I'm such a jerk. Kasalanan ko ang nangyari sayo." Inilahad ko ang aking kamay. "Come here." "Can I?" Tumango ako at ngumiti. "Of course, you may." Tinanggap niya ang kamay ko at tumabi sa akin sa pag-upo. He gently caresses my cheek. "Hindi na sana kita iniwan dito, pinairal ko yung pride ko. I should have known better." Namumuo na ang luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka emosyonal kahit hindi naman dapat niyang maramdaman. Sadness, fear and guilt are visible in his eyes. "Wala kang kasalanan —" Mula sa pisngi ko ay bumaba ang kamay niya at napunta sa dalawa kong kamay na nasa kandungan. "I almost lost you, Thea. Galit ako sa sarili ko, I even showed you how evil I am." "I admit, I was scared. Nung nakita ko itsura mo.. I felt like ako na yung susunod." I awkwardly laugh pero seryoso lang siya. I sighed. "Marco.. you don't have to worry. Magaling na yung binti ko, buhay ako. Huwag ka ng —" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagyakap niya sa akin. Ginantihan ko na lang siya at niyakap siya ng mahigpit. I rubbed his back. "It's okay, love." Kumalas ako sa pagkakayakap niya. I cup his face and rub his cheek using my thumb. "Alam mo, ako dapat ang mag sorry. Tama ang mga sinabi mo at ni mama. Walang patutunguhan lahat ng ginagawa ko, nilalagay ko lang ang sarili ko at ang mga mahal ko sa buhay sa panganib." I sniff. Marco kissed both of my hands and claimed my lips. "I'm glad you realize that you are wrong." Ngumiti ako. "Pero, love.. totoo ba yung sinabi ni Mara? May binigay ba na misyon sayo si Arminda?" "Not at all. Kinulong nila ako, nalaman kasi nila na kumakampi na ako sa inyo. But they didn't know, I was freed by Dranreb." Sumandal ako sa balikat ni Marco at inakbayan niya naman ako. "May alam na ba sila? Tungkol sa kakayahan ni Janella?" Marco didn't answer. Perhaps silence means yes? "Alam na nila, Thea. They are planning to tell the King about it. Wala tayong alam kung kailan sila aatake. Maybe sooner or later? Let's just prepare ourselves, but don't worry we are all in this together." Huwag naman sanang magkagulo ulit dahil sa katangahan ko but if the mess happen again, I will do my best to defend them. Iniba ko na lang ang tanong ko para hindi masyadong mag-alala. "By the way, nasaan na sina Emily at Dranreb?" "Umuwi na muna si Emily, babalik daw siya mamaya. Siguro sinamahan siya ni Dranreb." "Tingin ko may gusto yung kaibigan mo kay Emily." "Mukha nga." Tumawa siya ng mahina. "Do you want to rest again? You want to drink? Or you want me?" Kinurot ko siya sa tagiliran. Napangiwi siya. "Joke lang naman kasi." Hinimas niya yung part kung saan ko siya nakurot. "I just want a cuddle." Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya muli. Maya maya lang ay naagaw ng atensyon namin ang mabilis na pagkatakot sa pinto. "Tol?" "Thea?" Sabay nila Emily at Dranreb banggitin ang mga pangalan namin. Inalalayan ako sa pagtayo ni Marco at lumabas na kami. "Thea, we need you there! Your mom is looking for you." Bigla akong kinabahan. Did the Strigoi — "Si Janella, nakuha siya ng grupo ni Arminda!" dagdag ni Dranreb. Lumakas ang pintig ng puso ko. Dumating na yung araw na kinakatakutan ko. It's all my fault. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD