Chapter 14

1171 Words
CHAPTER 14 - ALCHEMIST Pumasok si mama at agad na nilapitan ako. Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. “Maiwan ko na muna kayo.” Tumango ako kay Emily at lumabas na siya sa kwarto ko. “Kumusta ka na? May masakit ba sayo?” sunod sunod na tanong ni mama. “Ma, I’m feeling good already.” I smiled. Bumalot ng katahimikan ang kwarto ngunit ilang sandali lang ay nagsalita muli si mama. “I would like to apologize about what I said… to Marco. Kung hindi dahil sa pagpupursigi niyang mahanap ang lunas sa lason, siguro ay wala ka na sa harapan ko ngayon.” Namumuo na ang luha sa mga mata ni mama. “What exactly did happen, ma?” “Kinakausap ko that time si Emily sa labas ng ating bahay tungkol sa pagkikita niyo nang maramdaman niya na parating kayo. Halos magwala ako ng makita kang karga niya, kung hindi lang ako pinigilan ni Emily. Marco brought you here, nakapasok siya dahil sa concealing ring na suot niya.” Hinaplos ni mama ang pisngi ko. “Nakita ko sa kanyang mata ang pinaghalong galit at takot. He is really in love with you, anak.” Ngumiti ako at mangiyak ngiyak na rin. “Ginang Rosa came in and examined you. A few minutes later, she said that your bloodstream got infected with the poison causing you a severe and painful fever. Nag-alala kame ng husto, tinanong ni Marco kung ano ang lunas at ang sabi ni Ginang Rosa ay ang dugo mula sa Slayer.” “Slayer?” Yun ba yung nilalang na pumana sa akin? Tumango si mama. “It is the title given to a human female chosen by fate in the Slayer line, bestowed with mystical powers from ancient demons.” Huminga ng malalim si mama. “Walang pag aalinlangan si Marco at umalis, alam niyang panganib ang pupuntahan niya ngunit para sa kaligtasan ng mahal niya ay ginawa niya ang makakaya niya para makuha ang dugo. Nakabalik siya dito at dala dala na yon at pinainom sayo. Naalala ko tuloy ang papa mo sa kanya, lahat gagawin para maligtas lang ang mahal niya.” Tuluyan na siyang umiyak kaya niyakap ko siya. “Kaya napagtanto ko na mali ang panghuhusga ko kay Marco. I am now okay with your relationship with him, it is a rare kind of love but it’s real.” “Thank you mama for accepting us.” Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. “Pero anak, tutol pa rin ako sa plano mong paghihiganti laban sa Strigoi.” Unti unting nawawala ang ngiti ko sa labi. “About that…” "H-hindi mo na ba itutuloy, anak?" "Itutuloy ko pa rin, ma." I said firmly. "Pero anak, alam mong masama ang maghiganti. Wala tayong mapapala na maganda kapag naghiganti tayo." paliwanag ni mama. Napa iling ako. "So hahayaan na lang ba natin na ganun na lang ma?! Ayaw mo man lang ba bigyan ng hustisya si papa?” Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Nakakainis lang na parang wala lang sa kanya ang dahilan ng pagkamatay ni papa. “Nakalayo na tayo non, pero nasundan pa rin tayo! Bakit? Dahil nasa atin pala ang hinahanap nila!” Rumihistro sa mukha niya ang pagkagulat. “Tangina naman ma! Bakit mo nilihim sa akin?! Yung pinagtatanggol ko pala ay ang dahilan ng gulong nangyari! At kung hindi dahil sa kanya, kasama pa sana natin si papa!” “Huli na namin nalaman. We were here already when she started showing signs that she has that ability. Sinabi ko sa Tito Claudio mo ang tungkol sa nangyayari kay Janella kaya namin napagdesisyunan na umalis muna dito. Nagulat din ako nung nalaman ko pero may magagawa pa ba ako? Mababalik pa ba ang buhay ng papa mo?” “She can do that, ma. Kaya nga hinahanap ng Hari ang isang tulad niya.” “Paano? We don’t know where your father's body is. At kung alam man natin kung nasaan and Janella gave him a new life, tingin mo ba hindi magdadalawang isip ang Hari na ipadampot ang bestfriend mo? You’re making the situation worse.” I looked at her in disbelief. “Please anak, magkakagulo na naman pag nalaman ng Hari ang tungkol dito. Knowing na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inilibing ang anak niya, umaasa pa rin siya.” Sasagot pa sana ako ng may kumatok. “Come in!” sabi ko. Pagbukas ng pinto ay si Emily ang iniluwa nito. “Sorry to interrupt your conversation, ahm tita Aurora my mom is looking for you.” Tumango si mama. Pinunasan niya muna ang luha niya at tumayo na. Nagpa iwan naman si Emily. “A-are you alright?” tanong niya. Huminga ako ng malalim habang nakayuko. “Do I look alright?” “Well, I guess you’re not. But I know someone who can give you comfort.” makahulugan niyang sabi. Nag angat ako ng ulo. “Who?” Binuksan niya ulit ang pinto at may tinawag, ilang segundo lang ay pumasok na sa kwarto ang tinawag niya. “Marco…” Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. “You’re alive.” “I’m alive because of you.” sabi ko at kumalas sa pagkakayakap namin. “Thank you for saving me, love.” I kissed him on the lips and he kissed me back. We got carried away not minding Emily was there. “Sorry.” sabi ko at nginitian siya. “It’s okay. Alam kong miss niyo ang isa’t isa.” sagot naman ni Emily. “Nagka-ayos na ba kayo ng mama mo?” Tanong naman sa akin ni Marco. Umiling ako. “Sinabi niya na tanggap na niya yung relationship natin pero nagka sagutan kami ulit tungkol kay Janella.” Bumuntong hininga na lang si Emily, bumaling naman ako sa kanya. “By the way, Emily. Dahil sa nangyari sa akin malamang ay marami pang vampire slayer o mga mortal ang makakaalam na nag-e-exist ang mga bampira.” Tinignan niya ako. “Maybe? If she was able to report to her group that there is a group of vampires living in this city. Sana lang ay bago niya yon nagawa nakuha na ni Marco ang dugo niya.” “Maybe the alchemist didn’t do their job.” sabat naman ni Marco. Perhaps? Pero since rebelde ang naka engkwentro ng vampire slayer na yon kaya siguro nalusutan ito sa mga alchemist. “You can say that but knowing them, they were helping Moroi and Dhampir in keeping their existence discreet for years already kaya imposible ang sinasabi mo.” Emily explained. I reached for Marco’s hand. “Nagkataon lang siguro talaga yon love.” “Anyway, maya maya lang ay gagawin na ang pagpupulong. Dadalo ka ba, Althea?” pag-iiba ng topic ni Emily. “Ikaw na lang. Magpapahinga na lang muna ako, balitaan mo na lang kami.” sabi ko at nginitian siya. Hindi naman nagtagal at umalis na siya. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD